P108,200 Ang Total Interest na Nabayaran ko kay Online Loans Pilipinas (Moola Lending)

Share:
Mahigit isang taon din akong patuloy na umutang sa Moola Lending na ngayon ay naging Online Loans Pilipinas na. Nakapagtataka, bakit pangatlo na itong nagbabagong anyo. Nong una tinawag ito na Doctor Cash tapos naging Moola Lending, ngayon naman naging Online Loans Pilipinas. Abangan ang susunod nito pangalan after 2- 3 years. Iwan ko lang kong aabutin ito ng 3 years kung patuloy nilang pinapairal sa kanilang kompanya ang napakataas na interest at ang mga nakatagong mga charges and penalties.

Pakiramdam ko malapit na itong mapasara ni PRRD. Subukan nyo kaya isumbong ito sa "8888" para maaksiyonan ng mga taga DTI at SEC. Gusto nyo bang malalaman ang karanasan ko sa kanila pagdating sa malaking interest? Tingnan nyong mabuti ang mga figures na nasa ibaba para kayo mismo makakapag-isip kung fair ba talaga ang pinapairal nilang interest.

Since DAY 1, never akong na delayed ng payments sa kanila. Lagi kong inaalala ang aking reputation lalo na pagdating sa panghihiram ng pera. Lagi akong nagre-reloan until 10th reloan ko. Napansin ko kasi kapag pinagpatuloy ko ang pagbabayad ng buo tapos mag reloan din naman, mas lalo akong malulugi dahil doble ang babayaran ko. Alam nyo kung bakit? Bawat reloan may 10% processing fee kaya laging mababawasan ang aking loan ng 10% pero babayaran ko pa din naman ng buo ang principal.

Hininto ko ang pag reloan at binabayaran ko nalang ang interest pati ang prolongation fees na P700 every month. Nakaka-save ako sa processing fees kahit ibabawas pa natin ang P700 prologation fee. Halimbawa, ang loan ko sa kanila ay P20,000. Ang interest nito ay P6,000. Kapag nag-apply ako ng reloan P18,000 lang matatanggap ko pero ang babayaran ko ay P26,000. Kung hindi ako mag reloan at i-extend ko nalang ang aking loan for another 30 days, ang babayaran ko ay P6,700. Yong P2,000 na ibabayad ko sana sa processing fee kung magre-reloan ako, mababawasan lang yon ng P700 para sa prolongation fee, ibig sabihin may savings pa din ako na P1,300 sa P2,000 na processing fee.

Ganun paman, napag isip-isip ko na wala talagang mapapala ang negosyo ko kung iasa ko kay Moola Lending (Online Loans Pilipinas), kahit malaki ang kita ko sa negosyo, kukunin lang din naman ni Moola Lending. Inaantay ko lang talaga na makapag reloan sa Tagum Cooperative para mabayaran ko ang aking utang kay Moola Lending. Atleast sa Tagum Cooperative, 12 months kong babayaran at maliit lang ang interest. Hindi mabigat sa bulsa at sa kalooban na rin.

Naiisip nyo ba kung magkano ang inabot na halaga ang naibayad ko kay Moola Lending sa mahigit isang taon? Siguro magugulat kayo, sa halagang P20,000 sobrang laki ng itinubo nito. Malaking halaga ang nakuha nila sa amin. Pero hindi pa rin nila kayang i-wave ang PROLONGATION FEE. Ang masaklap, patago nila itong pinapatong sa interest at principal na babayaran mo. Magulantang ka nalang na patuloy na lumulubo ang utang mo sa kanila kahit nagbabayad ka naman buwan-buwan.

Tingnan nyo ang breakdown ng aking reloan sa loob ng 15 months. Huwag kayong magugulat dahil totoo ang computation na ito. Dapat malalaman ito ng buong mamayang Filipino kung gaano sila ka sakim pagdating sa PERA. Dapat mapasara na itong Lending company na ito.



Isa lang masasabi namin dito sa USAPANG PERA at dapat kayo din, at maaaring tayong lahat. Magkaisa tayong sasabihin sa bawat isa....isang malaki at malutong na......



NO TO ONLINE LOANS PILIPINAS

Know about them through this link: https://online-loans.ph/en/contact-us

Related Topics:
1. https://www.usapangpera.ph/2017/11/moola-due-date-today.html
2. https://www.usapangpera.ph/2017/11/moola-loan-approved-p20k.html
3. https://www.usapangpera.ph/2017/12/moola-4th-loan-success.html
4. https://www.usapangpera.ph/2018/01/moola-lending-sobrang-bilis.html
5. https://www.usapangpera.ph/2018/02/6th-reloan-successful-na-naman.html
6. https://www.usapangpera.ph/2018/04/moola-lending-7th-reloan-sobrang-bilis.html
7. https://www.usapangpera.ph/2018/05/my-8th-reloan-kay-moola-lending.html
8. https://www.usapangpera.ph/2018/06/9th-loan-kay-moola-lending-successful.html
9. https://www.usapangpera.ph/2018/07/moola-10th-loan-pumasok-na.html
10.https://www.usapangpera.ph/2018/08/moola-lending-prolongation-ay-bayad-na.html

10 comments:

  1. Ask ko lang kung ayos lang na yung principal lang ng bayaran laki ng tubo nila

    ReplyDelete
  2. patulong naman po ako. 7k lang ang loan k sa kanila and ngbabayad ako ng 2100 every month kc d k pa kayang bayaran ng buo, lagi kcng delayed ang sahod namn. so nag iipon po ako muna kso dhl sngle mom ako nagagalaw k rn ang ipon k. so ending prolongation fee ang nbbyaran k pa lng. every month po tlga un. but after i paid ng fee this january, ilang days lang nag email sa akin na kelangan bayaran k ang 20k plus or else ipapasa nalang daw nila ako sa bureau. nagulat ako. nag eemail ako for an explanation pero di nagrerespond. then nkatanggap ako msg today from the barangay. bakit ganun.sila ang di nagrereply kahit ngbabayad ka naman pero sila pa ang kung umasta eh di ka nagbabayad s kanila. kahit wala akong work ngayon ginagawan k ng paraan yan makabayad lang ako. bakit ganon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguraduhin mo kung totoong taga barangay ninyo ang nagtext sa iyo, sa pagkakaalam ko hindi yan sila nalapit sa barangay dahil sa laki ng interest nila, natatakot malalaman na illegal ang pinaggagawa ng mga yan.

      Delete
  3. Huwag ka maniwala. Na sa barangay yung text na yun. Nananakot lang sila. Bawal yan na mataas na interest kasi ang tamang interest ay 6% lang bawat taon.

    ReplyDelete
  4. Pano po pag hnd na nakapagbayad sa kanila makakasuhan po ba?hnd ko na kz kayang bayaran sa laki ng tubo nla ilang beses na din ako ngreloan kaya lang lalo ako nababaon,pls answer po

    ReplyDelete

  5. ilang beses na ako magtry umutang hindi ako maaprobe

    ReplyDelete
  6. Ilan beses nko ngtry wla padin ako nhiram welling nman ako manbayad need ko lng talaga money now para skin medical sa work hrap nman pla umutang sa lending

    ReplyDelete
  7. Paano sila i reklamo? Kasi sa totoo lang 2nd loan ko na and hindi na ako muling magloloan kasi nga ang ganda ganda ng simula nila, 3000 no interest then biglang 6500 na susunod kong loan pero ang makukuha lang is 4500 in total, yung 1500 is interest and 500 is processing fee at ang madaya pa dyan is hindi sila nag lagay ng breakdown agad! Walang nakalagay na kahit ano so mapipilitan kang i-click ang link tsaka mo lang malalaman na ganon pala kalaki. Sana pwede sila isumbong.

    ReplyDelete
  8. Nag lloan ako s ibat ibang o.l apps.. Ung pondo peso poh b is okay??what if hndi poh ako nkpag bayad???what will.happen poh???

    ReplyDelete
  9. Pa tulog din po paano ko Ito babayaran.ngayong buwan Lang po ako na pass due.tapos 1 week na po ako Hindi nkabayad.kasi po Ang gumamit ng pera na reloan ko all most 14 months na ata akung member nito.moola palang Yun dati.tapos ngayon maging online loan Philippines na xa.den 15,600 na po Yung reloan ko tapos na pass due na po Yung brother in-law ko.kasi namatay Yung papa nya kahapon imbis magbayad na xa kaso magamit nya uli Ang pera na Sana pangbyad niya Kay moola kaso Lang naging 17600 na xa ngayon.ang laki ng penalty nila.7 day's palang Ang passed due ko.paano ko Ito mabayaran kahit patigi tigi nlng sana.ang gipit po kasi nila eh.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.