Natapos ko ng bayaran ang obligasyon ko sa Online Loans Pilipinas a.k.a Moola Lending pero tawag pa rin sila ng tawag. Alam nyo ba kung bakit sila tumawag? Hindi sila naniningil, kundi sinsabi sakin sayang daw yong pre-approved loan ko ilang click lang daw ng link makukuha ko na ang pera. Ito pa masakit, napansin daw nila na pinindot ko yong link na pinadala nila kung kaya sila napatawag. Nakakatawang alibi nila, ni text nga nila ayaw kung basahin dahil wala naman kwenta puro matatamis na salita para ako ay makuha nila muli.
Ang bastos pa nila, nakailang tawag din ng CSR nila sakin, pinagsasabihan ko lang kung bakit sila natawag sakin na ilalako lang ang loan service nila? Nasasayangan ata sila sa malaking interest na nakuha nila sa akin. Kung tutuusin pwede ko na silang hindi bayaran. Kung nasundan nyo ang previous post ko, ang P20,000 ay nakapagbayad ako ng mahigit P108,000 sa interest.
Hindi biro ang halaga na iyon, mga ordinaryong tao hindi pa nakakahawak ng ganun kalaki pero dahil utang yon, ayaw kong tablahin ang sino man na inutangan ko. Hindi ako gaya ng iba, ang daming dahilan para lang hindi makakapagbayad. Sundan nyo ang link na ito:
http://bit.ly/NOTOOnlineLoansPilipinas
Sa totoo lang napaka unprofessional ng mga CSR ng Online Loans Pilipinas. Bigla kang tatawagan tapos kung napagsabihan mo biglang putulin ang linya na walang paalam. Yong mag-uumpisa ka palang sa mahaba mong previlige speech, nawawala na sa kabilang linya. Magaling lang talaga sila sa panghaharas ng mga client nila lalo na yong delayed at hindi nagbabayad.
Simula nong mapangaralan ko sila, hindi na sila tumatawag pero palagi pa rin nagtetxt sa aking number. Sa mga mayrong utang sa kanila, bayaran nyo at huwag nyo ng ipagpatuloy ang pagloan sa kanila. Mas lalo kayong mababaon sa utang, oo nakayanan kong bayaran ang P108,000 dahil may mapagkukunan naman ako ng pambayad. Paano na kayo, yong umaasa lang sa kulang-kulang na sahod? Kung uutang lang din kayo sa ibang lending para pambayad, maghunos dili na kayo.
Isa lang masasabi ko, stop using Online Loans Pilipinas loan service. Hindi talaga nakakatulong sa inyo ang pag loan sa kanila. Lalong ibabaon kayo sa putik kung sakaling kakagat kayo sa mga matatamis nilang mga mensahe. Huwag padadala sa kanila, daig nyo pa ang na SCAM sa bandang huli. Kung ayaw nyo ng sakit ng ulo, huwag na huwag umutang sa kanila kahit matindi na ang inyong pangangailangan. NO TO Online Loans Pilipinas. #NOTOONLINELOANSPILIPINAS #NOTOOLP #NOTOMOOLALENDING #VERYHIGHINTEREST

No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.