Nabanggit namin nong nakaraang buwan na tapos ko ng bayaran ang aking loan sa Tagum Cooperative. Ang pinaka "The Best" na uutangan sa buong Davao Region. Sa totoo lang napakadami nilang clients lalo na mga titsers at iba pang government employees.
Hindi lang mabilis ang approval nila, magaling din sila pagdating sa customer service. Hindi sila ganun kadami sa bawat branches pero kahit napakaraming clients na papasok, hindi ka makakaramdam ng na-out of place ka.
Although, hindi ko naman napasokan ang lahat na kanilang branches pero talagang maasikaso sila sa kanilang client. Kung nauuhaw ka, meron silang libreng tubig at kung inaantok ka, meron din silang libreng kape. Malinis pa ang CR nila kahit napakaraming gumagamit. Paborito din sila ng mga government employees dahil malaki ang loan aprraisal nila lalo na sa mga titsers at napakababa din ng kanilang interest.
Hindi lang yan, dahil cooperative siguradong meron kang matatanggap nd dividend every year sa patuloy mong pag-avail ng kanilang mga services at yong share capital mo sa kanila ay mag-earn din ng interest bukod sa savings account na mayron ka. Napahanga talaga ako sa proseso nila, basic requirements lang talaga hinihingi nila at walang maraming kuskos balungos.
Patuloy ang paglago ng Tagum Cooperative. Every year palaging mayron silang binubuksang new branches. Kahit ako pinagmamalaki ko ang services nila kung kaya lahat ng members ko sa bahay ay ipina-member ko sa Tagum Cooperative. Marami ding benefits ang pagiging member bukod sa loans service. Para malalaman nyo ang iba pa nilang serbisyo, inaanyayahan namin kayong bisitahin ang knilang website sa link na ito: http://bit.ly/TagumCoopWeb
By the way, balik na tayo sa reloan experience ko. Last year, approved ako sa P100K loan. Maximum amount na pala yon na ibibigay nila sa mga business loan. Kaya sa reloan ko, same amount pa rin ang binigay nila. Sa loob ng 10-20 minutes waiting on my turn, agad na approved ang reloan ko. Kung anim ang requirements na binigay nila sa akin nong first loan, ngayon dalawa nalang. Dahil ibang taon, so new business permit ang hiningi nila.
12 months pa rin ang aking piniling terms para hindi mabigat at hindi mahirap maghabol ng pambayad. Ang kagandahan sa Tagum Cooperative, diminishing ang kanilang terms, pababa ang halaga na babayaran ko every month. Maliit lang interest nila compared sa ibang mga lending companies. Sa P100,000 na principal, after 12 months ang interest lang na babayaran ko ay P13,167. I issued 12 pieces PDC sa kanila at matatapos ito sa December 19, 2019. Isa din sa dahilan na nagustuhan ko ang Tagum Cooperative.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.