Tagum Cooperative Last Loan Repayment

Share:
Hindi ko namalayan na isang taon na pala last December 15 ang loan ko kay Tagum Cooperative. Yon din ang araw ng aking last payment. Noong December 15, 2017 nag-issue ako ng 12 pieces na PDC at may pondo na rin ang last PDC ko na hawak nila. Pero bago paman dumating ang due date ko, siguro mga 5 days before my due date -nagsadya ako sa branch na inaaplyan ko last year para tanuning kung papaano nag reloan. Sakto pagpasok ko sa branch, papalabas na rin ang Manager nila at naitanong ko kaagad habang nasa harap kami ng pinto.

Sinabihan nya ako na bumalik sa araw mismo ng due date ko at magdala ng cash para mababayaran ko ang balance para makakareloan agad. Kumuha din daw ako ng reloan form sa accounts officer at pil-apan ito siguraduhing kompleto ang mga kinakailangang detalye. Pagdating naman sa requirements, doon ko na itatanong sa accounts officer. Tapos naming mag-usap saglit, dumeretso na ako sa mesa ng accounts officer. Ni-relay ko sa kanya ang sinabi ng manager at binigyan nya agad ako ng form. Dalawang requirements nalang ang hinihingi nila, ito ay ang perma ng co-maker at spouse nito at newly issued business permit kasi business loan ang inaaplayan ko.

Hindi natuloy yong pagpunta ko sa branch sa panahon ng aking due date dahil marami akong inasikaso at hindi na mahabol kaya pinatapos ko muna ang buong linggo. Nag cleared na yong tseke ko sa araw ng aking due date kaya kulang nalang ang pagpunta ko sa branch nila. Ang nagustuhan ko sa Tagum Cooperative, once naipasok nila ang payment mo sa system nila, automatic makakatanggap ako ng SMS, a notification na bayad na yong monthly repayment ko. Bukod doon, nakalagay din sa SMS kung magkano nalang ang total balance ko.

Napakaganda ng serbisyo nila pagdating sa clients at pati processing. Lahat ng staff ay napaka-approacable at hindi ka hahayaang nakatunganga lang na para walang umasikaso sayo. While waiting your turn dahil may numbering din sila, kahit sino sa kanila - aalukin ka ng kape.

 By the way, libre ang kape sa loob ng branch nila. Sobrang lamig din kasi sa loob ng branch kaya para iwas paninigas, may mainit na kape na naka-ready para sa lahat na client. Bihira lang ito mangyayari. Tanging sa Tagum Cooperative ko lang ito nararanasan ang napakagandang serbisyo lalo na sa Tagum Cooperative, Mati City branch. Kudos to the management of Tagum Coop Mati Branch. 

Abangan ang aking magandang experience sa Tagum Cooperative on my first reloan. Sana lahat ng offline  lending companies ay kapareho sa kanila.  Abangan ang aming next post....

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.