Tala 17th Reloan Bumaba ang Approved Amount - Alamin Kung Bakit?

Share:
Hindi na guaranteed ngayon kung maaga kang magbayad o good payer ka, you will get the amount na expected mong ibigay nila. Kung dati napakalinis ni Tala pagdating additional amount every reloan, medyo sa taong ito marami ng reklamo ang natanggap namin tungkol sa pagbabago ni Tala. Marami na din ang patuloy na nakautang kay Tala na kahit pangatlong loan na nila ay still P1,000 pa rin ang binibigay ni Tala. Ibig sabihin hindi na dinagdagan ni Tala ang amount na pinahiram nila. Ang iba naman, kahit pang walo o pang sampu, ganun pa din ang binibigay ni Tala.

Hindi ko lang sila masyadong pinapansin kasi naman ang inaakala ko baka dahil meron inconsistency sa mga binigay nilang mga detalye kay Tala. Ang napansin ko hindi lang iisa o dalawa ang nagrereklamo. Sa katunayan marami na sila kaya medyo nakakaalarma para sa amin na mga good payer at palaging nagbabayad sa saktong araw at oras. Until ako na mismo ang nakakaranas ng pagbabago.

Kung binasa nyo ang titulo ng post na ito, pang labingpitong loan ko na ito sa kanila. Nakailang loan na din ako na binigay nila sa akin ang maximum amount na P10,000 kaya medyo kampanti akong makakuha ng the same amount sa pang 17th reloan ko sa kanila. Wala namang binago sa mga sagot ko sa mga survey questions at kung para saan o anong purpose ng reloan ko.

Nagulat nalang ako na ang approved loan ko ay P8,000 nalang mula sa P10,000 noong nakaraan. Hindi naman ata lugi sila kaya binababaan nila ang mga amount na maaari nilang ibigay sa mga tao. Mukhang naghihigpit na si Tala at wala ng assurance kung good payer ka na patuloy pa rin nilang ibigay sayo ang gusto mo. Hindi rin ako naniniwala na medyo pinalampas ko muna ang ilang oras tapos kung magbayad saka ako nagre-apply. Binayaran ko kasi ang aking loan at around 7pm at nagre-apply ako beyong 2am in the morning the next day.

Ito ang hindi magandang pagbabago na nangyayari kay Tala sa taong 2019. Hininto ko na ang loan ko kay OLP, pera247 at cashwagon kaya napipilitan akong magreloan kay Tala dahil meron akong kailangan bayaran. Pero dahil sa nangyayari maaaring isasabay ko na rin ang Tala sa paghinto ng pangungutang sa kanila. Napansin ko din na ang interest rate ni Tala ay 15.9% sa loob ng isang buwan. May kalakihan din pala ito kung ikompara natin sa mga offline lending na nagre-range lang sa 1.5% - 5% per month.

Compared sa ibang lending app, mas mababa pa rin si Tala kahit papano pero hindi natin alam na sa susunod na mga araw ay may malaking pagbabago kay Tala hindi lang sa pagbibigay ng malaking amount, baka pati interest rate ay lalaki na din. Mukhang ang Tala ay nakakaranas din ng maraming mapagsamantala na sinadyang hindi magbabayad. Kaya natatakot na silang magbigay ng malaking amount sa kung sino man kahit ito'y isang good payer person.

Ngayon medyo nalinawan na ako dahil sa mismong naranasan ko na wala ng guarantee na makakautang ng malaki ang mga good payer. Malamang nawalan ng kumpyansa ang Tala sa ating mga Pinoy dahil marami ang tumatakbo ng utang at sinadyang kinalimutan ang kanilang mga utang. Kaya ang maipapayo ko sa lahat, huwag mabigla kung biglang bumaba ang amount na ibibigay ni Tala sa inyo.

KUNG HINDI NYO PA NASUBUKANG UMUTANG KAY TALA, basahin muna ang step by step guide para magagabayan kayo kung papaano gagawin ito. Please click the link: 
http://bit.ly/TalaLoanApply

4 comments:

  1. thank you for this info,sir.

    ReplyDelete
  2. Diba may aksiyon yan alam ko na pag hindi ka nagbayad Ng utang Kay Tala...either hindi ka makakuha Ng documents sa government dahil magkaka-record Ka...

    ReplyDelete
  3. Hindi nmn pinakita ang previous credit limit.nkalagay sa screen shot . Your current limit is 8000 .. Haha. Once good payer ka. Tataas nmn ang limit mo. Kunyari 8000 ang credit limit need mo i full utang ang 8000 at pag repAy mo tataas nmn yan. Pero pag 8000 na credit limit mo at utangin mo lng 8000 8k parin limit mo khit ontime k pa magbabayad. Sos!!

    ReplyDelete
  4. Them believes altogether best suited. Every one of lesser areas ended up being built by lots of track record instruction. I like the necessary paperwork a good deal. K1 visa

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.