Madalas na reklamo mula sa mga followers namin dito ay dahil hinaharas sila ng mga collection agent sa inutangan nilang lending company. Di ba bawal yon? Oo bawal talaga yon kaya may karapatan kayong magreklamo sa awtoridad. Ang awtoridad naman, hindi yan sila basta-basta mag file ng case kung hindi kompleto ang detalye sa isinusumbong ng mga tao.
Ano ang mga kailangan para tanggapin ng awtoridad ang reklamo mo?
1. Kailangan ang ebidensya ng panghaharas.
2. Sino ang nanghaharas.
3. Anong company ang nasa likod ng panghaharas
4. Sino ang manager o may-ari ng company
Ebidensya ng Panghaharas - madali lang natin itong maipakita dahil pwede naman itong makuhanan ng screenshot lalo na kung nagpapadala sila ng mga text messages sayo. Pwede mo ring hindi burahin ang text nila para mayron kayong ebidensya.
Sino ang Nanghaharas - medyo magkaka-problema kayo dito dahil nasa virtual world tayo at madali lang magsasabi ng mga pangalan na hindi naman totoo. Yong mga taong nanghaharas, 99% sa kanila hindi nagsasabi ng totoong pangalan. Unfair naman sa totoong nagmamay-ari ng pangalan. Kaya, mahihirapan kayong alamin ang taong nasa likod ng panghaharas.
Anong Company nasa Likod ng Panghaharas - madali lang ito malalaman dahil hawak mo naman ang app nila. May patunay ka sa awtoridad na sila ang nangharas sayo. Problema lang dito, may patunay din sila na ikaw ay hindi nagbabayad sa pera na inutang mo. Nakasaad din sa app na, nag-agree ka na maka-access sila sa contacts mo bago mo pinagpatuloy ang loan application mo.
Pinapayagan mo sila na usisaing husto ang pagkatao mo bago nila i-grant ang loan mo. May karapatan silang e declined ang application mo sakaling walang sapat na impormasyon na makukuha o makikita nila sa cellphone mo. Kaya ka nila pinayagan umutang dahil marami silang nakikitang advantage sa cellphone at personal details mo na maaari nilang SECURITY sakaling tatakbuhan mo sila.
Tinitingnan nila ang contacts mo kung marami bang naka phonebook at kung sinu-sino ang nakalista sa contacts mo. Bawal yon pero yon lang tanging paraan na maaari ka nilang hahabulin sakaling hindi ka magbabayad. Bukod sa contacts, yong SMS inbox mo. Tinitingnan din nila kung sino ang mga taong madalas mong nakakatxt. Kaya wala kang kawala sa kanila kung sakaling may balak kang hindi magbabayad ng utang.
Sino ang Manager o May-ari ng Company - dito nagkakaproblema ang sumbong ng isang hinaharas. Dahil ni sa anino hindi alam kung sino ang mga tao sa likod ng company na isinumbong. Tulad sa sinabi ko, nasa virtual world tayo, ang dali lang gumawa ng mga fake na tao na pwedeng maging ka transaction nyo. 99% sa mga lending apps, walang matinong exact address na binibigay sa kanilang app, mas lalo ng hindi nila sinasabi kung sino ang totoong may-ari o manager ng kanilang company. Kaya mahihirapan kayong habulin ang mga taong nasa likod ng panghaharas.
KAILAN BA NANGYAYARI ANG PANGHAHARAS?
Bago kayo na-approved sa inyong loan, YOU AGREE sa mga terms and condition na nakasaad sa kanilang mga apps. Ikaw na atat ding makahiram, AGREE ka lang ng AGREE na walang pakialam kung anong kaakibat na responsibilidad na kahaharapin mo sakaling ma-delayed kayo sa pagbabayad. Ang pag-AGREE nyo sa terms and condition nila, sapat na para sa kanila na hahabulin kayo in ANY MEANS para lang makapagbayad kayo.
Dahil hindi nyo alam kung sino ang mga totoong tao na nasa likod ng kasunduan na pinapasok ninyo, madali lang sa kanila na mangharas dahil nga hindi nyo sila kilala. Oo nagsasabi sila ng pangalan pero sigurado ba kayo na totoong pangalan nila yon? Kung ang company nila walang diniklara na tamang address at walang ipinakilalang manager o may-ari, siguradong illegal ang operasyon nila. Kaya lakas loob nilang mangharas dahil lihim nilang pinapatakbo ito at kung sakaling may maagrabyado walang hahabol sa kanila dahil walang nakakilala sa kanila.
Mahabang proseso ang gagawin para matunton sila at gagastos kapa ng malaki para mahuli sila. Lalo na ngayon mura nalang ang gagastusin para magpalit ng bagong Lending Apps. Akala ng marami makaka-apply sila dahil bagong apps lang ito pero sa likod pala nito, nagpalit lang ito ng anyo at dala-dala pa nito ang mga previous records na nandon ang pangalan mo.
TRUTH:
Kaya lang naman nangyayari ang panghaharas dahil hindi nyo tinupad ang agreement nyo. Napakadali lang sabihing "WALA AKONG PAMBAYAD, wala silang magagawa kundi maghintay." Hindi yan kasama sa agreement nyo, dahil kung sa umpisa palang sinabi nyo na sa kanila na, pwede kayong mag pass sa oras na bayaran -malamang hindi kayo pauutangin nila.
Karamihan sa mga umutang, happy lang sila sa oras mismo na nakuha nila ang inutang nilang pera pero sa ORAS NG BAYARAN, lumalabas na lahat ng bitterness sa puso at isip nila. Kesyo malaki interest, kesyo hindi makakausap na ipagpaliban muna ang pagbabayad. Kunti lang talaga ang tumatanaw ng responsibilidad sa pinasok nilang transaction. At sila yong humahanap ng paraan para lang makapagbayad.
Bakit nong time na nag-apply pa kayo kahit alam nyo na malaki talaga ang interest, itinuloy nyo pa rin ang pangungutang sa kanila. Bakit sa oras ng bayaran na kayo nagrereklamo? Bakit hindi nong nakausap nyo ang agent nila na "SIGE SA INYO NA YANG PERA NYO? hindi na ako mangungutang sa inyo dahil ang laki ng interest nyo."
Dahil sa mga taong hindi tumanaw ng utang na loob, marami ang nadadamay. Kung lahat lang sana tumanaw ng responsibilidad sa pinasok nilang kasunduan hindi naman talaga magkakaproblema. Kaya napilitan ang karamihang lending app na pataasan ang kanilang interest dahil marami ang hindi nagbabayad. Yong iba sinadya pang delayed magbayad para may rason na hindi na sila magbabayad lalo na kung hinaharas na sila.
Nadadamay tuloy yong mga taong may VALID REASON kung bakit sila hindi makakapagbayad. Karamihan kasi sa mga hindi nagbabayad ay nagdadahilan lang. Hindi namin sinabing lahat pero napansin namin na MARAMI TALAGA ang MANANAMANTALA dahil alam nila na walang habol sa kanila ang mga Lending Apps na ito.
BE RESPONSIBLE BORROWER
Ano ang ibig sabihin nito? Umutang lang kapag kailangan, ibig sabihin badly needed mo at alam mo kung saan kukunin ang pambabayad mo. Huwag kang umutang kung sa umpisa palang hindi mo alam kung saan kukunin ang pambabayad mo. Dahil kung hindi mo alam kung saan kukunin ang pambayad mo, siguradong wala ka talagang pambayad pagdating ng DUE DATE.
ANG UTANG AY UTANG. MAGKAIBA ANG HINIHINGI KAY SA UTANG. KAPAG MAY UTANG, MAYRON DING BABAYARAN. Huwag magbaka sakali at huwag ugaliing maging BAHALA NA. BE RESPONSIBLE BE A GOOD PAYER AND BE A GOOD CITIZEN. Huwag magdadahilan para lang hindi makapagbayad ng UTANG.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.