Online Loans Pilipinas - Pwedeng Tantanan Nyo Na Ako?

Share:
Sa mga sumusubaybay sa aking kwento tungkol kay Online Loans Pilipinas na dating Moola Lending, alam nyo na siguro na pinutol ko na ang aking ugnayan sa kanila mula nong napag-isip ako na i-compute ang halaga ng pera na naibayad ko sa kanila as interest, prolongation fees at processing fees. Ikaw ba naman makapagbayad ng P108,200 sa loob lang ng isang taon tapos ang inutang mo lang ay P20,000, sino ba ang hindi matauhan nyan. Sa mga hindi pa alam ang buong kwento, please sundan nyo aming post na mababasa sa link na ito: http://bit.ly/108Kinterest

Last month, tumawag sila sa akin to follow-up kung gusto ko pa bang umutang sa kanila. Hindi lang isang beses kundi maraming beses. Malamang nasasayangan sila sa kinita nila sa akin dahil ni minsan hindi ako pumalya sa pagbabayad sa kanila ng kaukulang fees at charges. Hanggang sumabog na ang loob ko sa pangungulit nila. Di ba malalaman naman kung interested pa ako dahil ako mismo ang lalapit sa kanila at magmamakaawa pero ito naman iba ang nangyari, nagkukunwari na kunin uli ang loob mo para pumasok kana naman sa kanilang bitag. Kaya, napagalitan ko ng todo ang tumawag sa akin nong nakaraan buwan.

Ito na naman ngayon, February 21, 2019 mga around 12noon. May tumawag sa akin at nagpakilala na taga Online Loans Pilipinas daw na dating Moola Lending. Based daw sa kanilang record matagal na daw akong hindi nag-avail ng loan sa kanila. COURTESY CALL daw iyon baka daw gusto kung sila na mismo mag process. Sarap sapatusin or Tsinelasin, sinabi ko na nga ng maraming beses na ayaw ko na tapos ngayon sila na daw mismo ang mag process. Pinapainit lang nila dugo ko dahil pinipilit talaga nila na uutang uli ako sa kanila.

Sabi ko bakit kayo namimilit, wala na bang umutang sa inyo? Sagot naman ng kabilang linya "hindi daw sila namimilit, courtesy call lang daw talaga yon baka sakali gusto kong magloan para hindi na ako mahihirapan". Sabi ko naman, "Yong pagtawag nyo sa akin at may COURTSY CALL pa kayong nalalaman, hindi ba signed yon na namimilit kayo?". Wala naba talagang umutang sa inyo kaya ganun nalang ang concern nyo sa akin? Kahit sabihin libre na ang interest,  hindi na ako uutang uli sa kanila.

PLEASE PO mga followers namin dito sa USAPANGPERA.PH, PPOG(Pinoy Pautang Online Guide -Facebook Group) Usapang Pera At Iba Pa (Facebook Fan Page) at sa iba pag group na hawak namin, huwag na huwag kayong sumubok sa PAG-UTANG ng OLP (Online Loans Pilipinas na dating MOOLA LENDING) hindi talaga kayo matutulungan sa Lending na ito. Bagkus, ibabaon pa kayo lalo sa putik at magkakaproblema lang talaga kayo sa bandang huli. KAMI NA PO ANG NAGMAMAKAAWA NA HUWAG TaNGKILIKIN ANG LENDING NA ITO. #NOTOMOOLALENDING #NOTOONLINELOANPILIPINAS #LOANSHARK

HUWAG NA NATING TANGKILIKIN ang LOAN SHARK na ito sila din mismo ang hihinto dahil wala na silang maloloko pa.  Sa P20,000 na uutangin nyo P6,000 ang interest tapos P2,000 ang processing fee. P18,000 lang ang makukuha mo tapos ang babayaran mo ay P26,000 kung pumalya kapa, mayron kang 1% interest na babayaran at P700 na prolongation fee. Kaya kung isang linggo ka lumagpas sa DUE DATE, yong P20,000 baka aabot na ng P50,000.

HUWAG KAYONG MAGHANAP NG SAKIT SA ULO. Mas mabuting umutang kayo sa mga Lending na recommended namin na alam namin maliit lang ang interest. 

RECOMMENDED LENDING APPS:

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.