Ako lang ba ang nakakapansin nito na halos refresh mo ng Facebook page, lumalabas sa iyong newsfeed ang ads ng Online Loans Pilipinas na may kanya-kanyang larawan na maaaring makaka-ingganyo sa mga nakakita nito. Gumamit sila ng bata sa kanilang ads, ano ang gusto nilang ipahiwatig? Nakakakuha ba ito ng loob sa mga magulang na gustong ibigay sa kanilang mga anak ang maginhawang buhay?
Naku Po! Kung alam lang talaga nila ang laki ng interest na ipapatong ni Online Loans Pilipinas siguradong, magigising ka sa malagim na bangungot. Hindi tulong ang hatid ng lending company na ito kundi ibabaon kayo sa utang na tipong gagapang ka at kapag hindi mo ihinto siguradong hindi kana makakabangon.
Bukod sa bata, mayron pa sila ads na isang pamilya. Mukhang wala na atang naniniwala sa kanilang mga kasinungalingan. Oo, mabilis makautang sa kanila at wala masyadong requirements pero kung i-evaluate mo talaga, siguradong magsisi ka kung bakit ka umutang sa kanila. Halos lahat ng umutang sa kanila, isang beses lang at yong nagtagal sa kanila, nagsisisi naman sa huli at ayaw ng uulitin pa.
Para sa amin na alam kung gaano ka gahaman ang lending company na ito, kahit anong panglingla na facebook ads ang ilagay nila sa facebook, siguradong hindi na talaga kami madadala sa mga magandang offers nila.
Ang pang-attract nila ng kanilang ads sa facebook, yong salitang "NO COLLATERAL AT NO DOCUMENTS". Nakaka-ingganyo talaga lalo na kung nasa pangangailangan ka pero kung masubukan na nila ang laki ng interest, siguradong hindi kana talaga uulit pa.
Ang problema pa, kung hindi ka nakapagbayad sa due date at gusto mong mag-extend pa ng another 30 days, bukod sa interest na babayaran mo....magbabayad kapa ng prolongation fee. Kapag hindi mo nabayaran sa due date ang advance interest, bukod sa prolongation fee mayron kapang babayarang penalty.
Patong-patong ang interest at penalty ang mararanasan mo kapag pumalya ka sa pagbabayad. Pwede mo silang takbuhan pero guguluhin ka rin nila lalo na ang mga character references mo. Mararanasan mo din ang hindi mabibilang na text at tawag na panghaharas. Kung ayaw mong magulo ang buhay mo, huwag na huwag kayong umutang sa lending company na ito kahit halos sampalin na kayo sa kanilang facebook ads.
Salamat po sa kaalaman gusto talaga Sana mag utang dyan para ibabayad ko sa aking mga nautangan din po
ReplyDeleteSalamat po sa kaalaman gusto talaga Sana mag utang dyan para ibabayad ko sa aking mga nautangan din po. Wala Naman Kasi akong balak na takbuhan Yong mga nautangan ko sa online nahihiya na ako sa kanila...Kasi nakatulong din sila sa akin kahit Wala akong asawa
ReplyDelete