Thursday, February 14, 2019

RFC 3rd Loan Approved for 50K

Muntik-muntikan ng hindi matuloy ang pang 3rd loan ko kay RFC nitong nagdaang mga araw. Kung nasubaybayan nyo ang mga previous post ko tungkol sa 3rd loan ko na ito, malalaman nyo ang mga dahilan kung bakit may kunting aberya lalo na pagdatins sa renewal  of our business permit. Naintindihan naman namin na kailangan talaga na bagon business permit dahil bagong taon ngayon at it's normal na magpalit talaga kami ng new business permit. To make the long story short, natuloy din dahil kumuha na kami ng bagong business permit at yon din inaantay ng RFC para magawa yong contract para sa aking 3rd loan application.

Ang first loan ko sa RFC was P30,000 tapos sa pangalawa ay P40,000. Itong pangatlo naging P50,000 na. Ibig sabihin, P10,000 ang itinaas ng RFC sa bawat reloan ko sa kanila. Nai-submit na namin sa kanila ang kailangang documents at nakapirma na din kami ng contract sa kanila. Last week yon, miyerkules February 6 para pagdating ng sabado makukuha ko na ang aking tseke.

Pagdating ng sabado, kinukumusta ko kung dumating ang aking tseke, sabi nong incharge na dumating daw, problema lang ay walang pipirma dahil nag-out of town ang kanilang manager dahil may meeting. Sa time na yon, nag-aalanganin din ako kung ituloy o hindi dahil mayron din akong inaantay na pera kaso hindi pa dumating.


Kapag sabado, half day lang ang opisina ng RFC sa buong Pilipinas. Wala akong magawa kundi antayin ang lunes para ma fixed nila ang problema sa tseke. Tinawagan ko uli Monday morning ang kanilang opisina pero sabi, hindi daw nakapangalan sa new manager ang tseke kaya hindi ko pa pwedeng kunin. 

Binigyan nila ako ng option na lumapit sa kilalang tagapalit ng tseke dito sa lugar namin, dahil yon lang tanging paraan na pwedeng gawin kung kailangan ko talaga ang tseke, kaso lang may charge ito. Sabi ko, hindi pwede sa akin yan dahil pwede ko naman ipasok sa CURRENT account ko ang tseke nila kung gusto ko ng Cash o ako mismo magpapalit sa bank.

Dahil hindi ako pumayag, napilitan silang pumunta sa lugar kung saan nakadistino ang dating manager. Nalipat na kasi ito sa pinakamalapit na city dito sa amin. Umaga pa yon kaya kampante akong makakabalik agad at hindi na aabutin ng pagsara ng bangko. Kaso mag-4pm na hindi pa nakabalik dahil na traffic. Kaya sinabihan ko na kung hindi aabot ng 4:30pm, ika-cancel ko na dahil mayron namang parating na cash.

Buti naman bago magsara ang bangko, tinawagan ako ng RFC na pwede ko ng kunin ang aking tseke. Buti at nahabol nila bago magsara ang bangko. Ang halaga na nakuha ko ay P47,500+ dahil mayron silang binawas na insurance at processing fee. Regular term of payment nila ay 9 months pero kinausap ko sila na gawing 6 months para hindi lalaki ang interest na babayaran ko. Ang monthly amortization ko ay P10,421 sa loob ng anim na buwan. First payment ko ay sa March 13, 2019.

10 comments:

  1. Gusto ko sanang mag loan para mag start ng maliit na negosyo. Pwede ba yon kasi ang source of income ko lang ay pag bebenta online kaya wala akong mga documents

    ReplyDelete
  2. Mayron po bng branches dto sa sjdm bulacan

    ReplyDelete
  3. Paano po mag apply ng cash loan jan at ano po mga requirements n kailangan

    ReplyDelete
  4. May rfc ba akong San Mateo Rizal?

    ReplyDelete
  5. How to avail this offer kc meron na ako plan mag open ng key shop repair services at shoe repair shop pang dagdag puhunan lang?

    ReplyDelete
  6. How to apply kc meron naku plano mag tayo ng isang key shop repairing lock and shoes?? Pandagdag puhunan lang

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.