SwakCash at CashLending - May Ugnayan Kaya Sila?

Share:
Ang dalawang Lending Apps na ito ay halos pareho ang estilo ng pamamalakad  ng kanilang lending operation. Sa ngayon ang CashLending ay bukas palagi sa playstore at maaari nyo agad itong ma-download at ma-install samantalang ang SwakCash ay lumilitaw paminsan-minsan pero kadalasan wala na ito sa playstore. Babala: Ang dalawang ito ay nagti-text sa inyong mga contacts kapag delayed o hindi kayo nagbabayad ng inyong loan. 

Ang dalawang Lending Apps na ito ay parehong member ng Unipeso.com. Kung mapapansin nyo ang kanilang link sa playstore ay may Unipeso na nakalagay. Kaya marami ang nagsasabi na iisa lang ang may-ari sa dalawang lending apps. Tingnan nyo ang kanilang link:


Kung mapapansin nyo ang facebook page ng CashLending, mayron itong mahigit sa 100,000 na followers. Di hamak na marami talaga silang naging client doon pero nong nagkabistuhan na ang panghaharas mga contacts, kunti nalang ang nag-avail ng kanilang loan service. Sari't-saring reklamo ang mababasa mo sa kanilang fan page. Karamihan sa mga comment ay tungkol sa hind magandang karanasan na naranasan nila sa CashLending.

Dadako naman tayo sa fan page ng SwakCash, wala din itong pagkakaiba sa CashLending. Kung basahin mo ang mga comment sa bawat post nila, halos lahat bad experience ang mga sinasabi ng mga client nila. Marami sa kanila ang bayad na sa utang pero ginugulo pa rin ang mga contacts nila. Yong iba naman kahit walang natanggap na pero patuloy silang sinisingil. https://www.facebook.com/swakcashPH/

Walang pinagkaiba ang dalawa, pareho itong nanghaharas ng mga client kahit naman yong mga nagbabayad at hindi nakakakuha ng kanilang loan. Minumungkahi namin na iwasan ang dalawang Lending apps na ito kung ayaw nyong guluhin kayo o magiging magulo ang buhay ninyo.

ANG DALAWANG LENDING APP NA ITO AY HUWAG NYONG TANGKILIKIN.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.