Monday, February 25, 2019

Tala 18th Reloan - Approved for P9,000


Noong nakaraang reloan ko, medyo nagulat talaga ako dahil from P10,000 nagiging P8,000 nalang ang approved sa akin. Siguro pang lima ko na atang reloan na P10,000 ang approved sa akin. Instead na itaas pa nila dahil good payer naman ako, bakit naging P8,000 nalang. Malaki ang pinagbago ni Tala pagpasok ng taong 2019, malamang based sa previous year reporting nila baka maraming hindi nagbabayad kaya naghigpit ito ngayon 2019.

Nagpapasalamat ako na may halong inis din dahil atleast mayron pa akong nahiram. Marami din kasi ang na declined yong reloan nila kahit nasa pang apat o lima na sila. Iyong ang masaklap kung sa akin nangyari yon. Marami ang hindi makaka move-on sa pangyayaring yon. Ikaw ba naman, good payer ka at ayaw mo talagang masira credit score mo tapos bigla ka nalang ma declined na walang explaination. Hindi mo alam kung ano ang malalim na dahilan kung bakit ka tinanggihan sa iyong reloan.

Marami ang nagbabayad ng maaga, siguro mga linggo pa bago ang kanilang mga due date at umaasang madadagdagan ang kanilang loan. Based kasi sa notification ni Tala na kapag nagbabayad ka ng maaga, pwedeng madagdagan ng P500 up to P1,500 sa previous loan mo. Masakit kapag bigla kang na declined tapos umaasa ka. Di ba, masakit ang paasahin lalo na kung napamahal mo na.😀😀😀 Hahaha may kunting hugot lang po sa mga may pinaghuhugotan.

Anyway, masyado na tayong lumayo sa 18th reloan ko. Balik tayo para matapos na itong kwento ko.😉 Dahil sa daming kwento na pinaasa, para hindi ako masaktan...hindi na ako umasa na makakahiram pa o madagdagan ang aking pwede mahihiram kay Tala. Due date ko kahapon, February 25, 2019. Mga bandang 8pm, binayaran ko ang aking existing loan.

Hindi muna ako nag-apply ng reloan tapos kung mabayaran para mayron pa akong another 1 day sakaling ma-approved. Hinintay ko na matapos ang araw bago ako mag-apply uli. Kaya pagka gising ko kaninang umaga February 26, 2019 nag-apply na ako for my 18th reloan.

Gaya ng dati ganun pa rin may survey question na dapat sagutin bago makapagpatuloy. Sinagot ko ng kapareho sa mga nagdaang reloan ko at medyo nagulat ako ng kunti dahil approved ako for P9,000. OH? Buti naman at hindi tinupak si Tala ngayon. Akala ko kung hindi declined malamang bumaba pa sa P8,000 ang makukuha ko.

Ang ginamit ko sa pagbabayad ay coins.ph, yon din ang mode of disbursement ko sa aking loan kay Tala. Since 2nd loan hanggang ngayon pang 18th loan ko na, coins.ph pa rin ang ginamit ko. Alam nyo ba kung bakit ito talaga ang gamit ko? Dahil walang additional charges na babayaran mo gaya ng pagbabayad nyo sa 7-Eleven.

Kung mapapansin nyo kapag pinindot nyo yong MAKE A PAYMENT, dalawang text matatanggap nyo. Ang unang text nandoon yong LINK para sa coins.ph, once pinindot mo ang link, you will be redirected to coins.ph app para mabayaran ang loan mo. Ang pangalawang text, para sa walang internet - intended for 7-Eleven, nandon yong reference number na ibibigay mo sa cashier ng 7-Eleven. Nakalagay doon sa text na iyon ang amount na babayaran mo kasama na ang charge ng 7-Eleven. Sa P8,000 na babayaran ko, P160 ang charge ni 7-Eleven. Samantalang kung sa coins.ph ka magbabayad, P8,000 lang talaga ang babayaran mo. Ibig sabihin no additional fees kapag gumagamit kayo ng coins.ph sa pagbabayad.

Recommended ko ang coins.ph sa pagbabayad ng inyong loan kay Tala para makaiwas kayo sa mga additional charges kung sa 7-Eleven kayo magbabayad. Madali lang gamitin ang coins.ph at ang kagandahan hindi lang sa pagbabayad magagamit ang coins.ph. Maraming gamit sa atin ang coins.ph, pwede nyo rin itong gawing negosyo. Para magabayan kayo kung ano ang magandang maidulot ng coins.ph sa atin, inaanyayahan namin kayong basahin ang link na ito: http://bit.ly/coinsphinfo

Paano makuha ang iyong loan kapag nasa coins.ph wallet?
Madali nalang makuha ngayon, dahil kung malapit lang kayo sa LBC, pwede ng magcashout ng pera mula coins.ph mas makaka-save kayo ng charges kapag deretso nyong kunin ito sa padala center. Kung walang LBC sa inyo at malapit naman kayo sa ATM ng Security Bank, pwede nyong gamitin ang eGiveCash. 

Ang eGiveCash ay libre ito, walang charges na mababawas...buong-buo ang makukuha nyo at wala ding mababawas na charge sa coins.ph wallet nyo. Hindi na rin kailangan ng ATM para makuha ito sa ATM ng Security Bank dahil cardless withdrawal ito.

Pwede nyo na rin makuha ang inyong pera sa coins.ph through GCash, mas mababa din ang charge nito kompara sa LBC. Ang GCash cashout ay pwede na rin sa ATM makukuha at pwede din sa mga GCash Remit na makikita sa mga bayan.


Kung hindi kayo pwede sa tatlong nabanggit, mas maganda gamitin nyo sa pagbibinta ng eload ang iyong pera na nasa coins.ph, 10% ang profit sa bawat halaga ng loan na maibinta nyo. Kikita kayo sa pera na inutang nyo at siguradong makakapagbayad kayo pagdating ng due date.

Kung nagustuhan mo ang guide ko at sa effort na ginawa ko para mapaliwanag sa iyo kung ano ang kaibahan ni Tala sa ibang lending company online, please po gamitin nyo ang aking REFERRAL CODE: ALD86C or click this link:  http://inv.re/60qvi

2 comments:

  1. Ang tagal ko nang nag apply dito pero walang nangyari, walang reply

    ReplyDelete
  2. Ang tagsl ko nang nag apply pero walang nangyari.. walang sagot

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.