Tala - Huwag Masyadong Magtiwala Na Makaka Reloan Ka

Share:
Hindi lang isa, hindi lang dalawa at hindi lang sila, pati din kami - mayrong naaamoy na hindi maganda kay Tala. Last year, napaka smooth talaga ang services ni Tala pagdating sa loan approval pero ngayong taon 2019 - bigla nalang itong nag-iba. Taong 2018, majority, karamihan o 99% sa mga nagbabayad ng maaga ay approved ang kanilang reloan. Wala kang maririnig na umalingasaw o sa madaling salita wala kang maririnig na reklamo dahil declined ang kanilang reloan.

Taong 2019, biglang nagbago ang pakiramdam ni Tala sa mga Pinoy. Dumadami ang reklamo na aming natatanggap na declined sila sa kanilang reloan kahit hindi ito ang unang pagkakataon na nagreloan sila. Mayron iba, declined sila kahit pang lima, pang-anim at ang iba umabot pa talaga sa pito o walong reloan pero na-declined pa din. Sa mga nagrereklamo, majority at pangalawang reloan, kahit nagbabayad ng maaga declined ang loan application nila.


Kumusta na nga ba ang TALA ngayon? Yan ang karamihang tanong ng mga Pinoy lalo na yong mga gusto pang umutang sa Tala. Kami dito sa USAPANG PERA.PH ay limitado lang din ang aming kaalaman tungkol sa kanila pero pwede nating nilay-nilayin kung ano talaga ang mga nangyayari sa likod nitong malaking pagbabago. 

Mukhang nadadamay ang mga good payer sa mga taong hindi talaga marunong magbayad. Dahil masyadong maluwag ang Tala noong nakaraan taon, marahil napasukan sila ng mga mapagsamantalang Pinoy at layunin lang nila ay kunin ang loob ni Tala para bigyan ng malaking halaga at pagkatapos noon ay itinatakbo na at wala ng pag-asang magbabayad pa.


Ang tantsa namin, ito ang unang dahilan kung bakit ang Tala naghihigpit sa mga Pinoy dahil nalusutan sila sa mga manloloko. Naging tuso na rin ang Tala ngayon kaya pinapaalalahanan namin ang lahat na huwag ng UMASA na 100% MAKAKA-RELOAN kayo kahit good payer pa kayo o nagbabayad kayo ng maaga bago pa ang DUE DATE nyo. Lagi nyong tandaan na, 50-50 pa rin ang reloan application nyo para hindi masakit sa loob sakaling ma declined kayo.

Karamihan sa mga nagsumbong sa amin, hanggang ngayon hindi pa rin makaka MOVE ON sa pag DECLINED ni Tala sa kanila. Sa hindi alam na dahilan, declined sila kahit good payer pa. Sa case din namin, naka ilang P10,000 na rin ang reloan ko kay Tala pero last month lang, bumaba ito ng P8,000 sa aking 15th Reloan. Ibig sabihin, once na sagad mo na ang maximum amount na ibinibigay nila, maaaring bumaba ito hanggang lumiit lalo -NO GUARANTEE na 100% makaka RELOAN kayo.

Goog payer ako kay Tala pero mula ngayon, I will expect na sooner or later madi-DECLINED pa din ang reloan ko kahit nasa 17th reloan na ako ngayon. Huwag masyadong kampante para hindi masakit sa kalooban nyo. Sa amin dito, paalaala lang para hindi nyo na kailangan pang mag hestirical ang kalooban nyo dahil tinanggihan kayo ni Tala sa walang kadahilanan. 

Para sa amin, hindi natin ipinagtataka na darating din ang araw na matulad si Tala sa ibang lending apps na gusto lang kumita sa ating mga Pinoy. Kung dati P25,000 ang maximum amount ni tala tapos naging P10,000. Malamang hindi na magtatagal magiging P5,000 nalang ang maximum amount na ibibigay nila sa mga Pinoy.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.