Wow na wow! Yon ang masasabi ko matapos madagdagan ng another P1,000 ang aking credit limit kay GCredit. Ang GCredit ay pagmamay-ari ng Fuse Lending. Sila ay third party partnership ng GCash. Hindi na nagpapautang ang Fuse Lending ngayon sa kanilang lumang website. Ang dahilan kung bakit sila huminto ay dahil nagpalit sila ng program at services.
Maganda ang GCredit dahil napakababa lang ng kanilang interest. Sa P2,000 na hihiramin mo, hindi pa aabot ng P100 ang interest within 30 days. Napakagaan talaga sa pakiramdam kapag napakababa ng interest sa inutang mong pera. Ang kaibahan lang sa GCredit, hindi CASH ang makukuha mo sa kanila, kundi ang credit limit mo ay magagamit lamang sa pamimili ng inyong groceries, gadget o kahit ano basta ang bibilhan mo ng items ay tumatanggap ng GCASH.
Ito ang nangyari sa GCredit ko at masasabing napakaliit lang ng interest nila kaya nagugustuhan kong alagaan ang account ko.
Ang DUE DATE ko ay every 21st of the month. Noong February 23 namili uli ako ng groceries namin sa bahay. Ginamit ko yong P2,000 credit limit ko. Medyo nagtataka lang ako bakit hindi nadagdagan ang aking credit limit eh good payer naman ako. Pero hindi naman ako nagtampo baka hindi pa na update yong GSCORE ko kahit binayaran ko na ang utang ko noong February 21st.
Noong March 4, nakatanggap ako ng notification na dinagdagan ng P1,000 ang aking credit limit. Dahil naubos ko na ang P2,000 credit limit ko noong February 23, kaya ginamit ko uli ang P1,000 sa pamimili ng groceries dahil naubos na rin yong pinamili ko nong nakaraan. Ibig sabihin P3,000 na ang nagamit kong credit limit.
March 5, dumating na ang notice for my billing sa nagamit kong credit limit. Ang nakasaad sa billing, ang due date ko ay sa March 21, 2019. Nagulat ako bakit ang interest na nakalagay ay P40 lang. Ang kanilang interest ay maglalaro lamang sa 1.5% within 30 day pero kapag hindi mo nabayaran ang iyong utang, papalo ang interest sa 5%. Pero kompara natin sa mga lending companies mas maliit pa rin sila.
Ito ang dahilan kung bakit recommended namin dito sa USAPANG PERA.PH ang GCredit. Kaya simulan nyo ng mag-ipon ng GSCORE sa inyong GCASH App. Napakaraming usage ang Gcash, hindi lang sa pagpapadala ng pera, pati na rin sa pagbibinta ng load sa kahit kanino, maaari na rin kayong magbayad ng bills gamit ang inyong GCASH app. Kapag madalas mong ginagamit ang inyong GCash App, malaki chances na makaipon agad kayong ng GSCORE na magagamit nyo sa GCREDIT. Up to P30,000 ang credit limit na maaaring ibibigay ng GCREDIT sa kanilang mga SUKI.
Para magkaroon ng GCASH account, kailangan nyong hanapin sa playstore o appstore ang Gcash app. Kapag nahanap nyo na, pwede nyo na itong i-download at i-install sa inyong mga cellphone. Once naka-install na ito, oras na para mag register kayo. Siguraduhing tama ang mga detalye na nilagay ninyo. Bago matapos ang registration, huwag kalimutan ilagay ang aming referral code: DPSP4N
Ang kagadahan, napakabilis na ang mga verify ng inyong GCash account gamit ang inyong valid ID at iyong android phone or iphone. Siguraduhin na gagawin nyo ito sa araw para maliwanag. Wala pang 5 hours, verified na ang inyong GCash at magagamit mo na ang lahat ng features.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.