Paano Makautang ng Load Mula kay GCash?

Share:
"Anak, naiwan ko yong electric fan na nakasaksak sa outlet, pakitanggal baka maiwan mong umaandar pag-alis papuntang school." MESSAGE SENDING FAILED. Naku po wala pala akong load.


"Ma, on the way na ako sa school. Nakalimutan ko pala ang cellphone ko nasa terrace, baka madaanan ng mga mapagsamantala" MESSAGE SENDING FAILED. Patay, wala na pala akong load.

Saan sa dalawa ang naranasan mo na? Paano mo natext ang iyong mama o ang iyong anak nong namalayan mong wala kana palang load? Baka nandon ang kaibigan mo kaya nakikigamit ka. Eh paano kung wala ang kaibigan mo o ka officemate mo, tapos ang layo pa ng tindahan para magpapaload?

Goodnews, dahil maaari ka ng makahiram ng load mula sa iyong GCash app. Saka mo nalang ito babayaran kapag nakapag-cash in kana. Kahit walang laman ang Gcash wallet mo, makakahiram kapa rin. Paano?

Open your GCash app. Click Buy Load tapos pumasok sa BORROW LOAD. Piliin ang LOAD COMBOS na gusto mong hiramin. Maraming pagpipilian, mapa Globe o TM users ka man. You can borrow data para magka internet connection kayo o di kaya humiram ng regular load kung ang kailangan mo ay pangtawag or pangtext.

Kung nakakahiram na kayo, once nakapag cash-in kayo sa mga store partners ni GCash, automatic babawasan ni GCash ang iyong balance para mababayaran ang inyong utang sa kanila.

Kaya huwag ng problemahin kung nauubusan ka ng load dahil sasagutin na ito ng GCash. Makakautang kana kahit wala pang laman ang GCash account mo. 

Kung wala ka pang GCash, search GCash sa playstore. Kapag nahanap nyo na, download the app and install. Kung nagawa mo na, register at do the verification process para magagamit mo ang full features ng GCash.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.