Paymaya Adress my Concern Within 2 Hours

Share:
I was disappointed with Paymaya because of the inconvenience that I experience last April 04, 2019. Instead of sorting it out in a soonest possible manner, umabot pa ito ng maraming araw. Nakatalong tawag pa ako sa hotline pero wala ding nangyayari. Magkaiba ang pinagsasabi ng mga CSR nila. Kung sinabi lang agad nila na kailangan kung mag file ng dispute para sa transaction na yon, maaaring ginawa ko na agad ito.


Una, sinabihan ako na 2-5 days ang confirmation ni Facebook. Pangalawa, Fifteen days kapag hindi nai-confirm ni Facebook or merchant, agad itong babalik sa account ko. Pangatlo, saka pa ako sinabihan na kailangan mag file ako ng dispute. Ang dispute daw ay aabot ng 45 days bago ito ma resolba. Kung kayo sa kalagayan ko, papayag ba kayo na mag-antay kayo ng ganun ka tagal?

Kung paantayin ka ng ganun ka tagal, anong klaseng system ang ginamit nila to investigate customers concern? Mukhang hindi ata maganda ang ganung systema na pinapairal ng Paymaya. Na sa pagka-alam ko, they promise to give good service to the Filipino people. Hangga't maaari, kailangan nilang asikasuhin ang mga problema ng kanilang mga subscribers.

Naubos ang pasensya ko sa pag-aantay. Pero ko yong hinahawakan nila at hindi biro ang halaga na dumaan sa kanila para pambayad ko sa aking Facebook ads. Syempre kung ganon ka bagal ang support nila, lilipat ka talaga sa ibang method of payments. Buti nalang, this month accepted na ni Facebook ang GCASH kaya yon na ang ginamit ko sa pagbabayad ng mga merchant ko online.

Kahapon, gumawa ako ng post dito para ipaalam sa karamihan kung gaano ka-usad pagong ang systema ni Paymaya at para pinabayaan nila ang kanilang mga subscriber sa ere. Nagiging hysterical yong mga pinagsasabi ko dahil medyo napuno na ako sa kanila at mukhang wala man lang silang agarang action. 

Pagkatapos kung gawin ang post at pinadala sa kanila ang LINK through email, attached all the documents na nasa post ko, wala pang 10 minutes agad na silang nagpadala ng text na they need my valid ID para maasikaso ang concern ko. Agad ko ring pinadala ang picture ng valid ID ko at agad naman nila itong natanggap. After 30 minutes, they texted  me again at sinabi na nai-forward na ang concern ko for reveral processing.

Pakiramdam ko ang bilis ng pangyayari, sa loob lang ng isang oras ginawan na agad nila ng action ang problema ko. Bakit kaya pinaabot pa nila ng ganito na marami ang makakaalam sa nangyari? Hindi nila dapat pinabayaan ang ganitong issue para hindi kumalat pa na maaaring makakagawa ng hindi magandang reviews sa services nila.

Ang reklamo ko na pinadala sa kanila kahapon ay nangyari at around 5PM, within 30 minutes nasa concern department na ang case ko at kasalukuyang ginagawa ang reversal. At around 7PM, nong binuksan ko ang aking Paymaya app, nandon na ang P3,000 na they HOLD for 14 days. After 10 minutes, nakakatanggap ako ng text na nagsasabing "my request for reversal has been implemented".

Nagulat ako sa sobrang bilis nilang magresolba ng problema lalo na kung ito ay nababasa ng lahat. Pero kung hindi ko yon isinulat dito, 100% sure ako na hindi agad nila bigyang aksyon yon. Pansamantala munang mag laylo ako sa Paymaya, kahit na solve na yong issue ko, yong phobia ko na baka mangyayari uli ay nandito pa rin. Biruin mo aabot pa ng 14 days bago mo makuha ang pera mo. 

1 comment:

  1. mabagal talaga sila magresolve ng concern.kaya ayaw ko na din mag cash in sa kanila e.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.