Thursday, April 18, 2019

Paymaya - Ang Bagal magresulba ng Problema

Ang Usapang Pera At Iba Pa fan page ay mayroong running Facebook ads at araw-araw kaming nagdagdag ng funds sa aming Facebook ad account. Matagal na rin akong member ng Paymaya. Actually, isa ako sa nakakuha ng FREE Paymaya card noong ipinapakilala pa ito sa market. Medyo may katagalan na akong isang subscriber ng Paymaya kaya inaakala kong masolusyonan agad kapag mayroong mga aberya.

Nangyayari ito noong Abril 04, 2019 ng umaga. Dahil paubos na yong funds ko sa aking Facebook ad account, kaya kumuha ako ng funds sa aking Digipay account dahil isa din akong agent ng Digipay. Smooth ang transaction, segundo lang pumasok na agad ang funds ko sa aking Paymaya account at 7:25AM (Paymaya Time)

Nakakataggap na rin ako ng SMS confirmation sa aking cellphone na pumasok na yong funds mula sa Digipay at nakita ko na rin sa aking Paymaya app na naging P3,300 na yong balance ko kasi may previous balance ako na P300. Agad akong nag add funds sa aking Facebook ad account. 

Mayroon agad akong natanggap na confirmation text mula sa Paymaya na successful yong transaction ko, ang time na nakalagay sa text ay 7:25AM pa rin kaya segundo lang natapos agad ang transaction pero nong nag refresh ako sa aking Facebook ad account, walang pumasok na funds. Nawala na ang P3,000 sa aking Paymaya app at tiningnan ko rin yong text na natanggap ko na successful ang transaction na ginawa ko, P300 nalang ang binigay na balance nito.

Tiningnan ko sa aking Facebook ad account under sa Billing section, nakita kung wala ngang pumasok na transaction sa oras na iyon. Kaya inulit ko yong transaction baka nag error lang. Sa puntong ito, nagtext sa akin si Paymaya na kulang na yong balance ko dahil P300 nalang daw at ang ginawa kong transaction ay worth P3,000. Twice ko itong inulit at talagang parehong text ang pinadala sa akin only P300 nalang ang balance ko.

Kaya ang ginawa ko, yong P300 na laman - yon nalang ang idinagdag ko sa aking Facebook ad account. Segundo lang din at successful ang transaction. Nagpadala ng text sa akin ang Paymaya at ganon din sa app successful ang transaction. Nakita ko rin sa aking Facebook ad account na pumasok na yong P300. Nag view details ako sa text at nakita ko doon ang parehong oras na pumasok sa Facebook ad account ko, 7:28AM.

Paano yon, kailangan ko ng P3,000 para budget ko para a dalawang araw na Facebook ads? Kumuha uli ako ng funds sa aking Digipay account na P3,000. Nakatanggap uli ako ng text mula sa Paymaya na pumasok na yong funds sa aking account. Nakita ko rin ito sa aking Paymaya app. Ang oras na nakalagay sa Paymay text ay 7:31 AM.

Agad akong nag-add funds uli sa aking Facebook ad account. I enter the amount of P3,000. Mabilis lang din ang transaction at nakatanggap na naman ako ng text mula kang Paymaya na successful na ang transaction. Sa view details ng text ang nakalagay na oras ay 7:47 AM. Nire-fresh ko ang aking Facebook ad account at nakita ko ang P3,000 na pumasok. I checked sa Billing section kung nandon na ang ginawa kung transaction, at nakita ko na pumasok na nga doon at pareho din ang oras na nakalagay 7:47 AM.

Ang tanong saan na yong P3,000 na successful transaction at 7:25 AM? Tinawagan ko ang hotline para itanong kung anong nangyayari sa transaction kung bakit hindi pumasok ang P3,000 sa aking Facebook ad account. Ang sagot ng CSR sa akin, may ganun daw talagang instances na matagal pumasok. Two to five days pa daw yong iba pumasok. OHHHH WHATTTT? May ganun! Dagdag pa nya, depende kasi daw yon kay Facebook kung they accept or declined the transaction.


Di bale, may laman naman ang Facebook ad account ko noon kaya hindi nalang ako nakikipagbatuhan ng reasons. Binilang ko yong araw at natapos na nga ang Five days pero ni isang anino sa P3,000 ko ay hindi lumitaw sa aking Facebook ad account. Tumawag na naman ako uli at nagtanong kung bakit hanggang sa oras na iyon, di pa rin nag-appear sa Facebook account ko. Nag-advice sa akin ang CSR na kausapin ko si Facebook para mai-accept nila yong payments ko.

Sa pagka-alam ko, mahirap kausapin si Facebook pagdating sa ganitong mga error transaction dahil si Facebook ay napakataas ng standard pagdating sa mga payments at hindi ito basta-basta na sumasablay. Sabi ko, baka pwede nyong i-cancel yong payments na yan dahil sabi nong unang nakausap kong CSR, nakalagay naman daw sa OUTSTANDING BALANCE ko. Ibig sabihin hanging ito at hindi nagagalaw dahil waiting for FACEBOOK to accept. Another time frame ang binigay ni CSR. Kung hindi daw ito i-accept ni Facebook, after 15 days babalik daw itong kusa sa Paymaya account ko. Sabi ko sa kanya,

Kung ganun nakahanging lang at frozen, only Paymaya can move dahil wala pa naman ito sa account ni Facebook. Sakaling i-cancel man ito ni Paymaya, tapos bumalik na sa account ko, wala ng magagawa si Facebook. Hindi rin naman ito pumasok sa Facebook ad account ko. Nagmamatigas pa rin ang CSR na kailangan kausapin ko muna si Facebook, kaya sinubukan ko i-message ang support ni Facebook.

Pinaliwanag ko kay Facebook ang tungkol sa issue na naranasan ko at sumagot agad ang Facebook after a day.

"Hi EDgar,

Thanks for contacting Facebook. 

After investigating, I can confirm that your payment has not been completed, and is still pending. We do not have any visibility into why a payment is in a pending state. I will not be able to share more information about this payment.

To learn more about why your payment is still processing, please contact your payment provider. 

Please let me know if you have additional payment questions.

Thanks,

George
Payments Specialist
Facebook "


Malinaw na wala talaga sa Facebook ang control tungkol doon sa payment issue pero nagmatigas ang Paymaya na ibalik agad ang amount na yon sa aking account. Ngayon, tumawag na naman ako uli kay Paymaya, ngayon iba na naman ang pinagsasabi ng CSR. Kailangan mag file ako ng dispute at it takes up to 45 days bago maibalik ang pera ko sa aking account.

Kung kayo nasa kalagayan ko, ano kaya ang pakiramdam nyo na pilit nilang hindi resulbahin ang mga issue na dapat mabigyan agad nila ng action. Namimihasa na talaga itong PAYMAYA, SMARTPADALA at SMART. Sixty days nilang, hahawakan ang pera mo na  sana lumaki na dahil you are aiming na kumita ka pero tinatago lang nila. Kung mamalasin kapa at hindi mo maipaliwanag ng husto ang buong transaction mo, mawawala ng parang bula ang mga pera nyo.

Kasalukuyan kong inasikaso ang dispute sa transaction na ito. Mula nong nagka-abirya at hindi nila nagawan ng action, I used another method para magpasok ng pera sa Facebook ad account ko. Kaya ang maipayo ko sa lahat, iwasan nyong gamitin ang Paymaya account nyo to pay any bills dahil kapag nagka-abirya, magsasawa ka pagtawag sa hotline nila hanggang hihinto kana at mapasakanila na ang pera mo. ITANONG NYO KAYA YAN SA MGA SMARTPADALA CENTER kung anu-ano ang mga hinaing nila? Marami ng huminto sa SMARTPADALA, dahil walang kwenta ang support ng SMARTPADALA, PAYMAYA AT SMART

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.