Tala 19th Loan - Approved and Successful

Share:
Di ko namalayan due date ko na pala sa Tala Philippines. Hindi ko nabayaran sa araw mismo ng aking due date dahil bigla nalang nawalan ng signal ang aking TM sim kung saan yon ang naka-link sa aking Tala app. Nasubukan ko na lahat ng paraan para i-trouble shoot ang aking sim pero hindi talaga omobra. Kaya nagpadala ako ng mensahe sa Tala na kung maaari palitan nila ang aking number na nakalink sa app pero nagreply ang Tala na hindi nila pwedeng palitan habang mayron itong outstanding balance na hindi pa bayad.


Pinaliwanag ko na hindi ako makapagbayad dahil wala akong matatanggap na reference number para sa pagbabayad ko kapag pinindot ko ang MAKE A PAYMENTS. Nagpadala ng text sa akin ang Tala sa number ko na dapat yon ang ipapalit. Agad kong binayaran ang aking loan pagkatanggap ko mismo sa text. Ang ginamit ko ay coins.ph para mas mabilis at kung sakaling gusto kong magreloan, makakapag reloan ako agad.

Minuto lang posted na agad ang loan ko. Sinubukan kong mag reloan pero hindi ito nagtuloy. Ang sabi sa app "kilalanin daw nila muna ako ng lubusan" yon ang pagkaintindi ko sa tagalog sa sinabi nila. Naintindihan ko naman dahil nga wala ng signal ang number na nakalink sa Tala app ko. Tatlong araw kung inantay na magkasignal ang aking sim pero walang nangyayari. Ilang beses na rin akong nag message sa Globe Hotline pero wala namang malinaw na sagot.

Kaya nagsadya nalang ako sa Globe Center at isinangguni ang nangyari sa aking sim. Dapat na palang papalitan ang aking sim dahil luma na ito at kailangan ng i-upgrade sa LTE. Pinagbabayad lang nila ako ng P50 para sa pagpalit ng sim card. Ni magtanong nga kung bakit P50 pinagbayad sa akin eh nagbibinta naman kami ng TM sim pero P25 lang binibinta namin. Basta para sa akin, pasalamat ako at naayos na dahil maraming transactions na mawawala kapag magbago ako ng number. 


Goodnews para sa mga Globe at TM users dahil ngayon pwede nyo ng palitan ang inyong simcard to LTE pero mananatiling yon pa rin ang cellphone number mo. Hindi gaya dati na kapag nagpalit ka ng sim, magpalit ka din ng numero. Pagkakatanggap mo ng iyong bagong simcard, mayron na itong signal kaya magagamit mo ito agad. Hindi na problema ngayon kung mawala o mawalan ng signal ang inyong simcard dahil pwede na itong mapalitan na manatili ang lumang numero mo.

Pagkadating sa bahay, agad akong nagmessage kay Tala sa kanilang app na hindi na kailangang palitan ang aking number dahil pinalitan na ito ng bagong simcard ni Globe pero nanatili pa rin ang old number ko. Kinabukasan, nakakatanggap ako ng text mula kay Tala na approved na yong reloan ko na naging pending dahil sa problema sa simcard.

Tiningnan ko ang app at yon nga approved ako sa P10,000 reloan. Pang labing siyam (19th) reloan ko na ito kay Tala. Nong 18th reloan ko, I was approved sa halagang P9,000. Hindi nakaka-apekto ang aking credit performance doon sa 7 days grace period na binigay nila bago ko ito binayaran dahil doon sa problema ko sa simcard. Atleast, hindi ako nanahimik at i-deadma ang mga notification nila. 


Gumawa talaga ako ng paraan para makausap sila at sabihin ang katotohanan kung bakit hindi ko pa nabayaran ang aking loan. Naintindihan siguro nila ang sitwasyon ko kaya kahit delayed na ako sa pagbabayad ng isang linggo, binigyan pa rin nila ako ng pagkakataon na tumaas ang akiing credit limit.

Tulad sa mga nagdaang reloan, sa coins wallet ko pa rin ipinasok ang aking loan disbursement para mas mabilis. So far, so good naman po at wala akong problemang naranasan while ginagawa ang aking pang labing siyam na reloan sa Tala. Minuto lang ang pagitan, I got the amount sa aking coins wallet.


READY KA NA BANG MAG-LOAN KAY TALA PHILIPPINES?


Kung nagustuhan mo ang guide ko at sa effort na ginawa ko para mapaliwanag sa iyo kung ano ang kaibahan ni Tala sa ibang lending company online, please po gamitin nyo ang aking REFERRAL CODE: 138020 or click this link:  http://inv.re/87q2j


READY KA NA BANG MAGLOAN KAY TALA? PUMUNTA KA SA PLAYSTORE AT DOWNLOAD THEIR APPS NOW. Tapos start your journey kay Tala Loan Philippines. Please pindutin nyo ang link na ito para agad nyong mahahanap ang Tala app sa playstore: 

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.