Saturday, May 04, 2019

Atome Credit Loan Issue and Poor CSR Support - Updates

Mga ilang oras lang kahapon matapos kong magpost tungkol sa issue regarding my alleged reloan from Atome Credit and their poor CSR support, (follow this link to knew what was the issue: http://bit.ly/AtomePoorCSR ) mayrong tumawag sa akin nagngangalang Russel. I am not sure kung ito ang correct spelling ng kanyang pangalan pero nagpapakilala siya sa akin na he is Atome Credit CSR. 


Hindi rin kami nagkaintindihan dahil, tulad kay "Zack" yong unang CSR na nakausap ko, they are assuming na ako talaga ang may kasalanan dahil nga no other person can do it except ako, ang may-ari ng cellphone kasi sa app lang talaga gagawin ang kahit anong changes sa account ko. Pero nahanapan ko siya ng flaws dahil sa sinabi niyang "they submit my concern to their higher authorities para iimbistigahan". Pero sa tuno ng kanyang pananalita, he did a conclusion na ako ang may kasalanan.

Dahil I am innocent tungkol sa nangyari, kaya I need to defend my side. Dahil ang dami niyang sinabi na alam ko opinion lang nila yon at hindi pa talaga naimbistigahan kaya I stop the conversation. After an hour ata, tumawag si Russel ulit at medyo nag-iba na ang tuno ng kanyang pananalita. 

Sa oras na yon, napansin ko na ginawa na talaga nya ang kanyang trabaho to get the details na kailangan para gagamitin sa kanilang investigation. Yon naman talaga dapat ang gagawin ng CSR. Kapag IT related issue dapat ang gagawin ay kukunin ang mga detalye hindi yong magbibigay ng mga opinion o kuro-kuro na alam mong hindi naman karapatdapat.



Dito ko na nalalaman na may nangyari na pala na ganong case tulad sa naranasan ko. To make the long story short, possible pala ito kapag ang cellphone mo ay Nova 3 or Cherry Mobile. Kaya tinanong nya ako alin sa dalawang nabanggit ang cellphone na ginamit ko. Sinagot ko siya na Cherry Mobile ang ginamit ko. By the way, I used Cherry Mobile S6 Selfie.

Another thing na nalalaman ko, yong pagpalit ng bank account ko into GCash ay nangyayari bandang alas otso ng umaga. Which was nasa byahe ako nong mga time na yon, kasama ko ang aking anak papuntang Jollibee para asikasuhin ang Mini Manager class nila sa Monday. Mas lumakas ang kalooban ko na mayrong hindi magandang nangyari sa time na yon lingid sa kaalaman ko dahil hindi ko ugali gumamit ng DATA kapag nasa byahe lalo na kung kasama ko anak ko. Hindi ako nagsi-cellphone kapag kasama ko sya maliban nalang kung kukunan ko ng larawan o video.

Nabanggit ko din sa previous post ko na pwede nilang ma-identify ang taong may-ari ng GCash account dahil lalabas yon sa GCash account nila sa confirmation text after their successful transaction. Nakuha na din nila ang pangalan sa tao at tinanong nya ako kung may kakilala ba ako na may ganong name.  Yong pangalan na binanggit nya, ay sa kanya ko lang narinig. Wala sa contacts ko at mas lalong wala sa inbox ko dahil sinubukan ko itong tawagan, walang nag appear na pangalan at nag search din ako sa inbox wala akong convo sa binanggit na tao.

Medyo maganda na ang pag-uusap namin at hindi ko na rin maiwasan na pangangaralan siya dahil sa mga inaasta nila na kunwari alam ang lahat pero sa totoo lang they are dependent kung ano ang mga naka feed sa utak nila from their superiors. At yon nga inamin nya sa akin na yong mga opinion na binigay nila ay hindi sa kanila nanggaling kundi sa superior nila. They relay only all the messages given to them from their boss.

Sinabi ko sa kanya na dapat yong ginawa nya sa second call ay dapat ginawa na nya sa kanyang first call, nagkaintindihan na sana kami. Bilang matagal na sa online world, hindi malayong mangyayari talaga ang ganitong cases dahil sa technology natin ngayon, kahit nga system ng bangko ay napapasukan pa ng mga scammer. Alam kong mas maluwag ang system ng mga Lending companies kaya mag doble ingat tayo. 

Sinabi ko rin sa kanya (Russel) hindi ko sisirain ang reputation ko online sa halagang P2,000. Kilala ako sa www.usapangpera.ph, Usapang Pera At Iba Pa facebook fan page at PPOG -Pinoy Pautang Online Guide. Nagbayad nga ako ng P108,200 interest kay Moola Lending (Online Loans Piliinas) kaya I stop borrowing them at pinagsabihan ko na sila na burahin ang account ko sa kanila at huwag na silang tumawag sa akin para mag-offer ng kahit anong promos. Mula kasi nong hindi na ako umutang sa kanila, they called me halos every week. Kung anu-ano nalang inaalok at pinagsasabi para hindi mapapagalitan hanggang napuno na ako. Ngayon wala na sila sa inbox ko at yong mga number nila naka block na rin sa cellphone ko.

Lesson:
Unang-una, estelo ng mga CSR lalo na sa mga lending companies, kakain nila tayo ng buhay kapag hahayaan natin sila. Nagkataon lang na may alam ako sa mga estelo nila. Did you remember sa last post ko tungkol sa Paymaya? Ilang araw din nila akong pinaasa pero nong inilabas ko na dito sa website namin ang issue, mabilis silang umaksyon.

Huwag nyong hayaang madihado kayo kapag alam nyong hindi totoo at pinapilitan nilang kayo ang mali. Huwag nyong hayaan na kakainin nila kayo ng buhay. Sa side ko naman, pwede kung hindi pansinin ang issue na ito pero ang iniisip namin ay ang kapakanan ng mga followers namin dito sa USAPANG PERA. 

FOR ATOME CREDIT:
Please improved the security of your system. Kulang na kulang talaga ang security ng inyong app. Dapat kapag may babaguhin sa account, kailangan mayrong code na matatanggap sa cellphone number na naka link sa app. Kung mayron lang sana, dapat nalalaman ko nong time na papalitan ng mga culpret dahil may text akong matatanggap. Hindi makapagpalit ang salarin dahil wala sa kanya ang code na natatanggap ko. Kung supported lang sana ng system nyo ang ganitong security measures, 100% na yong may-ari ng app ang nagchange ng details dahil sya lang ang nakakatanggap ng CODE.

 Nasisilip ito ng mga CULPRET ang maluwag na system ninyo. Kung maaari lang sana, yong DISBURSEMENT section ninyo ay naka-lock yon. Hindi pwedeng agad-agad makapagpalit ng details. Kailangan muna dumaan sa inyo any changes na gagawin. Bilib ako sa security measure ng Tala at Cashalo. Sa Tala, kung may changes ka gagawin sa account mo, you need to PM them gamit ang message section ng inyong app. Kay Cashalo naman, kailangan mong mag-email sa kanila para palitan ang ano mang detalye sa account mo na mali.

Please Atome Credit, gumising na kayo. Upgrade your system into a safer one. Sana maging aral ito sa inyo ang nangyayari sa akin. Nagugustuhan ko yong system nyo na mabilis lang mag-approved pero yong interest rate nyo -hindi ko talaga gusto kaya hindi na ako umulit pa na umutang sa inyo. Tama na sa akin na magkaroon ng idea paano ang proseso ng inyong loan approval para mayron akong mai-share sa mga followers namin.

Concern ko lang kung papaano makukuha ang referral commission dahil hindi pala pwede ito kapag wala kang utang sa inyo dahil automatic deduction pala ito sa loan balance. Kaya nakiusap ako na baka pwede i-withdraw deretso sa bank account ko. Pero iba ang nangyari, may umutang pala gamit ang pangalan ko dahil waiting ito for easy disbursement.

Buti nalang hindi nangyari ito sa Moola Lending, dahil mayron akong pre-approved na P20,000 sa kanila. Kahit ganon ang Moola Lending, they confirmed your bank account kung tama ba. Tatawag sila to confirmed o kung gusto mong baguhin. Maganda ang system nila pero patayin ka naman sa interest. 

Sa side naman ng Atome Credit, gahaman na nga sa interest napakaluwag pa ng system nila. Kapag ganito kasi medyo mumurahin lang ang system na ginamit nila. Napakalayo sa Tala at Cashalo. Kapag hindi na resolve ang issue na ito. Maraming mawawalang potential client sa inyo Atome Credit. Correct your system security para makahinga ng maluwag ang mga client nyo na hindi mag-iisip na baka sa pagising nila isang araw magugulat nalang sila na may utang na sa inyo.

Monitor this case para may idea din kayo sakaling mangyari ito sa inyo. Thanks

2 comments:

  1. Salamat sa info ako Naman Kasi Ang Mali na donate ko sa #Kapa at nag invest ako sa iba Ang mga loan ko dito sa online ngayon nag declare so Pres. Dikong na scam nanlamig ako my tudo d ko maintindihan parang katapusan ko na nahihirapan ako parang gusto ko na ring magbigti .hanggang ngayon naghihintay kami Kong kailan magpa pay out si Pastor Apolinario...nanginginig ako tuwing tinatawagan parang atakihin ako sa hi-blood ay dios ko po

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.