Atome Credit POOR SYSTEM and POOR CSR - BEWARE

Share:
Namangha ako sa bilis ng proseso sa aking TRIAL LOAN APPLICATION kay Atome Credit. Sinabing trial, dahil gusto kung malalaman kung ano ang sistema ng lending app na ito pagdating sa mga loan application ng kanilang mga potential clients. Sinunod ko lang ang proseso pero hindi ko inaasahan na ma-approved ang loan ko na P1,000. Sa totoo lang napabilib ako dahil pakiramdam ko yong mga detalye ko ay hindi sapat para ma-approved dahil maliit lang naman kinikita ko bilang isang self-employed ang nilagay ko.


Pagdating din sa cellphone, wala pang laman dahil kakabili ko lang at sinadya ko ito para sa Youtube channel na USAPANG PERA TV para gagawa ako ng mga videos paano gagawin ang application para hindi mahihirapang magbasa ang mga followers namin sa www.usapangpera.ph. Matandaan apat lang ata ang nasa contacts ko kaya kung yong sinasabi nila na isa sa basihan ni Atome Credit to approved your loan ay ang maraming laman ang contacts, hindi po totoo yon sa case ko. Wala ding laman ang aking gallery at mas lalo na ang aking inbox.

Dahil doon, I promote Atome Credit sa aming mga websites, facebook pages at groups. Pero isa sa hindi ko nagustuhan kay Atome Credit kahit mabilis mag-approved ay ang 7 and 14 days term. Masyadong malaki ang pinapatong na interest in a short period of time. Hindi man lang nakaikot ng ilang beses kung ang pagagamitan mo nito ay slow moving items sa inyong negosyo. Ang masaklap kung ginamit mo ito ng panggala lang, magkakaproblema sa paghahanap ng pambayad on or before 14th day, araw ng due date mo.

March 28 na-approved yong loan ko na P1,000 tapos ang due date ko ay April 11. Malaki ang tubo dahil within 14 days magbabayad ako ng P1,338. Katwiran ko naman kailangan ko ito para may mai-share ako sa aking mga followers. Binayaran ko yon sa araw mismo ng aking due date. Tuloy ang pag promote ko sa kanila hanggang nakakuha ako ng P700 referral commission. Ang problema ngayon, hindi ko alam kung paano ito makukuha. I check there app, at nakita ko na hindi pala pwede i-redeem ito through my bank account. Ang maaari lang pagagamitan nito ay ibabawas sa aking existing loan or loan balance. Paano yon hindi na ako umutang sa kanila dahil nga ayaw ko ng 14 days term at saka hindi ko naman kailangan ngayon.


Ang ginawa ko, nag email ako sa kanila (cs@atome.ph) regarding sa concern ko. Sinabi ko sa email kung pwede bang i-withdraw ko ang aking commission sa aking bank account. I got auto replied message na they got my email kailangan ko daw mag provide ng contact number para may tatawag sa akin. Hanggang ngayon ni anino sa taong tatawag hindi ko pa nakikita at naririnig. The was dated May 1 at 12:11am, madaling araw yon.


At around 8:18am ng umaga, I got a text mula sa system ng Atome Credit na approved daw yong loan ko na P2,000. Nagulat tuloy ako, hindi naman ako nagreloan bakit may text akong natatanggap. Hinayaan ko lang kasi nasa byahe ako noon kasama anak ko papuntang Jollibee para sa kanya summer class na Mini Manager Camp ng Jollibee. Bandang hapon pauwi na kami, I got another text na ipinasok na daw nila ang loan ko sa aking bank account at may nakalagay ding due date.


Hindi ko pinansin yong cellphone number, kaya pagkadating sa bahay tiningnan ko yong BPI account ko, yong account na pinasukan nong first loan ko sa kanila dahil naka online banking ako. Pero walang pumasok kaya sinabi ko baka fake news lang ang text na yon. Pero nong binuksan ko ang Atome Credit app, nagulat ako may bumungad sa akin na Congratulation message at ang sabi ipinasok na ang pera sa bank account ko and GCash number 09229152397.

Dito na ako nagkaroon ng duda at nagtanong sa sarili ko na mayron hindi maganda sa nangyari. Bakit ako nagkaroon ng loan, eh wala naman akong balak magloan. Isa pa, P2,000 lang eh ang liit lang noon tapos magbabayad ako ng mahigit P700 na interest, Ok lang sana kung kailangan ko talaga ng pera pero hindi eh. Walang pumasok na pera sa BPI account ko na tanging yon lang ang nilagay ko sa aking disbursement info. Never kung binigay o nilagay ang aking GCash account sa kanila, paano pumasok sa GCash tapos ang masaklap hindi pa GCash account ko. Wala nga akong ka alam-alam sa number na ito 09229152397.

They can verify kung sino ang may-ari ng GCash na yan. I have 3 GCash account na parehong nakapangalan sa akin. Yang number na sinabi nilang pinadalhan ng pera, 100% akong hindi nakapangalan sa akin at mas lalo na sa mga kakilala ko. Dapat gumawa ng aksyon ang Atome Credit nito para hindi masisira ang kanilang reputation at hindi matatakot ang mga maaari pa nilang maging client.

Conversation with CSR 

Dahil napansin ko ngayon May 3, 2019 na nag RUN ang aking due date kaya minabuti kung kausapin sila through their app, sinubukan kong tawagan ang dalawang number na nakalagay sa app nila pero hindi makontak, mukhang for texting or bulaklak lang ito para kunwari reachable sila.

CONVO WITH ZACK
May naka-assign sa akin na CSR, ang nakalagay na pangalan si ZACK. Sinabi ko sa kanya ang buong pangyayari. Ang ending ako pa ang ginawang mali based sa mga opinions nya kasi nga daw kahit sila hindi makaka-access sa aking account. Tanging ako lang daw ang may kagagawan non. I am 100% na hindi ako ang gumawa noon, kung ako man paano ko nilagay ang GCash account na alam kong hindi sa akin. Binaliktad pa nya ako, sinabi ko sa kanya na walang 100% system at kahit ako na matagal na sa online world mayrong mga instances na ma-manipulate ito.

Actually, pwede ko namang hindi papansinin dahil wala naman silang nakuhang mga detalye sa cellphone ko nong unang nag-apply ako. Sino ang tatawagan nila kung hindi ako magbabayad? wala naman silang nakuhang info sa contacts ko except doon sa limang naka phonebook. Pero I am not thinking myself, eh papaano yong mga client nila na halos buong kaluluwa ay nahigop nila noong nag-apply sila?

Sa totoo lang uminit ang ulo ko sa kanya dahil sa sinabi palang nya na kahit sila ay walang access sa account ko, paaano nya nasisiguro na hindi pumalpak ang system nila? Ibig sabihin ba, si ZACK ay isang IT, CSR, collector at maging ang may-ari ng Atome. Ang sabi lang kasi nya, THEY ARE TRAIN to address such concern. Ano ang masasabi nyo sa kanya? Hindi nya ma-access ang account ko pero para sigurado sya na 100% perfect ang system nila. Kung hindi nya ma-access ang account ko, ibig sabihin hindi siya ang IT o ang develop ng system nila. Kaya hindi siya dapat maging kampante sa pinagsasabi nya na THEY ARE TRAIN. Ano kaya ang pagkaintindi nya sa pagiging TRAIN lang?

Sinabi ko din sa kanya na ipasa ako sa concern department dahil pinipilit niyang i-address ang concern ko kahit limited lang talaga ang nalalaman nya. Hanggang CSR lang siya at walang alam kung anong nangyari sa system. Dapat sana kinuha nya ang mga detalye like the GCash account na sinasabi kung hindi sa akin. Dapat tukuyin muna nila kung sino may-ari noon at anong connection non sa aking contacts. Wala eh, POOR ZACK. Kahit papano may alam ako sa pagpapatalakbo ng website dahil may sariling website ako. Ginawa mo pa akong bobo.

Dapat hindi na mahaba ang convo namin pero pinagpilitan talaga nya sagutin lahat. Hanggang hindi na nya masagot, ganon pa rin nasa akin daw ang mali. Isang CSR na hindi customer ORIENTED. Gustong sila lagi ang tama, marami din akong kaibigang CSR, ang iba ng nasa ibang bansa na pero hindi sila tulad sayo ZACK. Nagkukunwaring may alam pero halatadong wala ka talagang alam pagdating sa pag RUN ng site at apps.

BEWARE:
Huli nang naisipan kung kunin ang screenshot ng aming convo. Kapag pala, ini-END na nila ang convo, mawawala na ito sa app nila. Kaya kung mayron kayong mga mahahalagang convo with them, screenshot nyo agad at huwag antaying mawawala. Hindi supported ng kanilang system ang tulad sa Tala na mayron pang ilang araw bago mawala.

Dahil sa pangyayaring ito, we remove ALL COVER PHOTO ng Atome Credit sa aming facebook pages and groups. Hindi na rin namin recommended ang Lending App na ito. Kung nangyayari ito sa akin na nag-iingat hindi imposibleng mangyayari din ito sa inyo. Huwag kayong mabulag sa ini-offer nilang mabilis na proseso. Mabilis nga pero kapag nagka-aberya hindi sila handang makikipag cooperate para ma resolve ang issue.

SA MGA NAKAKARANAS NG HINDI MAGANDA SA ATOME CREDIT, huwag mag-atubiling mag COMMENT sa ibaba ng inyong mga hindi magandang experience tungkol sa kanila para malalaman din ng lahat na nagbabalak umutang o at saka yong mayrong existing loan sa kanila.

HUWAG NYO NG TANGKILIKIN ITONG ATOME CREDIT KUNG HINDI NILA MA-SOLUSYONAN ANG ISSUE NA ITO. Kasi kung sa inyo ito mangyayari, siguradong mapapahiya kayo kung magsisimula silang magtext sa contacts nyo. Sure din akong hindi kayo magbabayad dahil hindi nyo nakuha ang pera.

100% WALANG MALASAKIT sa kanilang mga client. Imbes na linisin ang kanilang pangalan, ipangalandakan pa nilang ang client ang mali. Pinapaalalahanan namin ang LAHAT ng followers ng aming facebook platforms:

PAGES
1. Usapang Pera At Iba Pa : https://www.facebook.com/UsapangPeraPH/

GROUPS

1 comment:

  1. Kapag nabayaran nyo ang inyung loan, aside sa hahabulin nyo ang interest rate, maliit lng ang ibinibigay nila na reloan credit limit. so beware!

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.