DISMAYADO! Ito ang nararamdaman ko sa Atome Credit dahil sa hindi nila pag-resulba sa concern ko tungkol pangalawang pangyayari na mayrong gumamit sa identity ko na umutang gamit ang aking log-in details. Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyayari sa aking account. Kung matandaan nyo, nagrereklamo din ako dahil may umutang sa kanila ng P1,000 noong nakaraan. Nagulat nalang ako dahil sa oras na iyon 100% wala akong access sa internet dahil nasa byahe ako at hindi ko ugali komonekta sa internet lalo pa't sa oras na iyon kasama ko anak ko sa byahe.
Natukoy din kung sino ang gumamit sa log-in details ko at nalalaman ang pangalan dahil sa GCash account na gamit nito. Napansin ko na maluwag talaga ang sistema na sinusunod ni Atome. Kaya minumungkahi ko sa kanila na higpitan ang security measure nila para hindi sila malulusutan. Based doon sa pag-uusap namin, ginagawan nila ng paraan na daw para hindi na maulit. Isa na doon ang tungkol sa OTP o pagamit ng One Time Pin sakaling ikaw ay mag log-in o may gusto kang baguhin sa mga personal details mo lalo na sa disbursement.
Ang akala ko nagawa na nila dahil dumaan na ang isang linggo pero nagulat nalang ako mayron na naman approval ng P2,000 loan na natanggap ko sa aking cellphone. Almost parehong oras nong una pero sa oras na yon tulog pa ako. Pagkagising ko at nang nabasa ko ang text, agad akong nag message kay Atome ang nireklamo ang pangyayari. Pero mula noon hanggang ngayon, wala na silang ginawang aksyon.
Wala akong balak mag loan sa Atome in the first place, kaya lang ako napilitan mag-apply dahil as referral program na ino-offer nila. Dahil mayron akong website, facebook page at groups di malayong makakakuha ako ng mga applicants na pwede gamitin ang referral CODE ko.
Dahil sa mga platform na hawak ko, naging influencer ako ng iba't-ibang lending apps tulad ng Meloan, Cashalo, Tala at iba pa. Sa mga nabanggit kong mga lending, masasabi kung napakaganda ng security nila pagdating sa disbursment. Sa tatlong nabanggit ko, hindi ka basta-bastang magpalit ng personal details mo. Kung sakaling mayron ka mang baguhin, kailangan ka munang dumaan sa kanila hindi derektang baguhin ito kung kahit sino. Alam nila ang kalakaran sa internet maraming culpret na walang ibang ginagawa magman-man sa mga kahinaan ng mga sistema ng iba't-ibang website o apps.
Noong unang insidente, they advised me to change the password sa aking Atome apps. Doon ako nagkamali dahil hindi ko ito nagawa. Alam nyo kung bakit? Nong nag logout ako at nag login uli, tapos kung ma-enter yong OTP automatic na akong nakapasok sa aking account kaya hindi ko na naisip magpalit ng password. Isa ding dahilan dahil hindi friendly user ang kanilang app pagdating sa pagpalit ng password. Kailangan mo pang mag forgot password para magpalit ng new password. Kung ako na medyo may alam sa pagkalikot ng mga cellphone PAANO KAYA YONG HANGGANG SA TEXT AT TAWAG TAPOS kUNTING ALAM ang pag scroll up and down sa kanilang Facebook newsfeed? Kung hindi ako nakalog-in agad nong na-enter ko ang OTP, siguradong mapilitan akong palitan ang password.
Nong napansin ng culpret o scammer na mayron na palang OTP ang mga account ng client ni Atome, doon siya pumasok gamit ang OLD PASSWORD na nakuha nya. Kahit ako hindi ko rin alam paano nya na-capture ang log-in details ko. Ang pinagduduhan ko baka MAYRON ITONG LENDING APP na pinakalat ngayon sa PLAYSTORE. Tapos pagka register mo, makukuha nya ang detalye tapos yon ang gagamitin nya sa pagpasok sa mga lending apps.
MAG-INGAT PO TAYO. UGALIING IBAHIN ANG LOG-IN DETAILS NG BAWAT LENDING APPS NA INAAPLAYAN NYO PARA SAFE ANG ACCOUNT NYO. Malaki talaga ang pagdududa ko na nakuha nya yong sa isang lending app na maaaring inaplayan ko para magagamit ko sa pagawa ng guide upang matulongan kayo na hindi mahihirapan. Halos karamihan kasi ng lending apps na sinubukan kong aplayan, iisang log-in details lang ang ginamit ko. Gagawa ako ng review tungkol sa mga security measure ng mga lending apps na napansin kung may napakahigpit na paraan sa pag log-in at pagpalit ng personal details.
Balik tayo kay Atome, medyo lumayo ng kunti sa purpose ng aking pagpahayag ng aking saloobin tungkol sa kanila. DAPAT HINDI NYO HAHAYAANG MAKAPAGPALIT NG DETALYE ANG KAHIT SINO LALO NA SA DISBURSEMENT dahil napaka delikado ito. Kung alam nyong kumikita kayo sa negosyo nyo, mag HIRE kayo ng IT na kaya idagdag ang mga security features na ito. Biruin nyo, kayang palitan ng SCAMMER ang disbursment account na walang kahirap-hirap at maipapadala ang pera ilang minuto lang. YONG GCASH disbursement ninyo, kung hindi nyo yan mahahanapan ng paraan maaaring ito ang dahilan na magpabagsak sa inyo. Alam ko hindi lang ito nangyari sa amin, yong ibang naging biktima, wala silang way para mapakinggan dahil kahit anong reklamo nila hindi nyo naman daw pinapansin. Yong invistigating team nyo ay napakabagal, kailangan nyo pa gawan ng action ito para hindi na talaga mauulit?
CALLING ALL FOLLOWERS NAMIN DITO sa WWW.USAPANGPERA.PH at sa mga facebook pages and groups, hangga't sa maari huwag kayong umutang sa LENDING APP na ito hanggang hindi nila maaayos ang kanilang sistem. Tulad ng sinabi namin, kung nahihirapan kaming resulbahin ang pangyayaring ito na mayron kaming boses gamit ang platform namin, paano pa kaya kung mangyayari ito sa inyo -saan kayo lalapit? Para maiwasan ang pangyayari na alam namin na marami na din ang nakaranas nito, huwag nyo ng tangkilikin ang Lending App na ito. Pinabayaan lang nila ang concern namin.
Ang masaklap, araw-araw kami nakakatanggap ng text at sinisingil kami. Attention: Ms Meanne. Kailan mo mapahinto ang ganitong way nyo sa paniningil kahit wala kaming utang. Bukod sa text, may tumatawag pa. Yong sinabi mo nong nagreklamo kami na walang tatawag, bakit may tumawag? At yong sabi mo na kung may magtitext disregard lang namin, ikaw kaya araw-araw makakatanggap ng hindi magandang text hindi kaba ma-alarma? Kung tutuusin malaki ang balanse ko sa referral program pero FAILURE pa rin yong system ninyo.
Ipahinto nyo na ang pag compute ng 2.40% interest bawat araw dahil hindi yan nakakatulong sa serbisyo ninyo. Biruin nyo, hindi ikaw ang umutang tapos papatawan ka ng ganyang interest, araw-araw pa. WoW! Ang lupet nyo Atome. Please ayusin nyo yan kung ayaw nyong matuloyang i-boycott kayo ng mga gustong sanang umutang sa inyo.
Dahil sa hindi nyo pagtugon sa mga reklamo, nadadamay ang karamihan nyong kleyente. Marami na din kaming natatanggap na reklamo na kapareho sa amin pero hanggang ngayon wala pa ding solusyon. Please stop sending the DAILY REMINDERS, wala po kaming utang sa inyo. Yong collectors nyo, pagsabihan nyo dahil sa ginawa nyo, mawawalan kayo ng mga client na maaaring pagkakakitaan ninyo.
Inubos nyo na ang rewards balance ko sa palubong interest na idinagdag nyo araw-araw. Dahil sa kapabayaan nyo kaya marami ang nakaranas ng ganito sa mga client nyo. If you won't stop, I will see to it na isang tao nalang applicant nyo bawat araw. Pasensya na, minsan lang ako mag RANT online pero dahil pinahamak nyo na kami, siguraduhin naming hindi na kayo kikita sa amin.
Humanap kayo ng solution para hindi na kayo malulusutan at pati kami nadadamay. Ilang araw na akong nagmi-message sa inyo pero wala akong natanggap na reply. Alam kung hindi na talaga ninyo pinapansin ang mga reklamo dahil sa sobrang dami. Mas lalo pa itong dadami kapag pinabayaan nyo.
INGAT SA PANGUNGUTANG SA LENDING APP NA ITO, MAAARING MAGPAPAHAMAK ITO SA INYO, HINDI MAN SA UNA PERO POSIBLENG MANGYAYARI SA SUSUNOD NYONG MGA RELOAN. MASAKLAP, HINDI NILA KAYO PAPANSININ.
#AtomeStopLoanApplication #AtomePoorService #AtomePoorSystem
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.