Monday, June 17, 2019

Atome - Lumulubo Na Ang Loan Balance Namin

Pangatlong beses ko na ang post na ito na humihingi ng atensyon sa Atome dahil sa irregularities ng system nila. Agree naman kami na wala talagang 100% na system lalo na pagdating sa lending app pero ang matagal na action with regards sa concern namin, maaaring magdudulot ng pag-alinlangan ng mga taong gustong subukan ang serbisyo ninyo.


Nasasabi na namin sa mga nagdaang post na wala naman kaming planong mag-apply ng loan dahil kailangan namin ang financial assistance. Napilitan lang kaming gagawin ito dahil gusto naming makuha ang aming referral commission na hindi pwedeng makuha kung wala kaming existing loan. Kung kailangan talaga namin ng financial assistance, hindi kami magtitiyaga sa P1,000 o P2,000 loan galing sa Atome.

Nagkataon na napasukan talaga ng scammer ang account ko dahil sa hindi pa masyadong malinaw na dahilan pero ngayon medyo may duda na ako kung saan nakuha ng scammer ang log-in details ko sa mga lending app. Abangan nyo ang next post ko dahil ipapaliwanag ko kung bakit nangyari ang ganun at siguradong makakatulong din ito sa inyo. Stay tune lang po dito sa #USAPANGPERPH para kayo ay magagabayan din namin.

Lumulubo ang balance namin kahit mayron kaming rewards.

Anyway, lumulubo na ang account balance namin ngayon sa Atome. Kasalukuyang nasa P3,102.00 ang makikita mo sa account balance namin. Mayron kaming P3,900.00 sa rewards from referrals galing sa aming website at sa mga Facebook pages at groups. Hindi namin makukuha ito dahil may existing loan kami sa Atome na araw-araw pinapatungan nila ng 2.40%. Hindi po kami ang umutang sa kanila kundi ang scammer na nakapasok sa aming account.

Kung matagal nilang inaksyonan ito kahit mayron kaming website, pages at groups sa Facebook -how much more sa mga taong walang boses sa social media at sa mga website. Nong nakaraan niyaya namin ang lahat na huwag munang mag-apply sa kanila habang hindi pa nila naayos ang kanilang system. Medyo bumagal ang counting ng aming referrals count. Malaman marami ang nakakabasa, ngayon uulitin na naman namin para mabasa ito ng mga hindi nakabasa sa aming pervious post.
 Araw-araw kayong makakatanggap ng ganito.


HUWAG MUNA KAYONG MAG-APPLY NG LOAN SA ATOME habang wala pa silang nakitang solution sa aming concern. Napakaluwag ng sistema ni Atome dahil walang silang security measure pagdating sa pag PAPALIT ng disbursement method. Napakadali lang palitan ng scammer ang mga disbursement na nasa account mo. Gaya sa amin from BPI account, agad itong napalitan ng scammer into GCash. Dapat sana kung GCash ang method of disbursement, dapat same name sa account nya Atome hindi yong napakalayo sa katutuhan ang pangalan at hindi talaga tugma.

Grabe sila oh... Attention: Ms. Meanne, ganito talaga ang Atome?

PANANAWAGAN namin sa Atome PH, please hanapan nyo na ng solution ang concern namin para ma-clear ang aming account at magpatuloy na ang pagpasok ng mga client sa loan sevices ninyo. Iba pa rin yong wala kang pag-alinlangan sa pangungutang nga mga tao sa inyo.

Ang nakakasama, araw-araw mayron kayong pinapadalang text na bayaran ko na ang utang ko. Well, ayaw kung umabot sa point na mawawalan kayo ng client dahil sa hindi nyo pag action ng mga reklamo namin. Dapat pakinggan nyo ang mga hinaing ng inyong mga customers at client para hindi mapapahamak ang negosyo nyo. Sa mga hindi nakakabasa sa aming mga post, please basahin nyo ang mga sumusunod na link:

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.