Ilang linggo at buwan ko ding inaantay ang pagtaas ng aking GScore kay GCash para tumaas din ang aking credit limit. Nagsimula ako sa P1,000 tapos nagiging P2,000 pagkasunod na buwan at after 3 months tumaas din ito ng P3,000. After 3 months uli, nadagdagan na naman ng another P2,000 ang aking credit limit.
Kasalukuyang P5,000 na ang aking credit limit sa GCredit. Alam nyo bang sa P3,000 credit limit ko at tapos ginamit ko lahat, after 30 days or 1 month and interest na binabayaran ko lang ay P80.00. Sobrang napakababa, di ba? Napakaganda talaga ng GCredit compared sa mga lending apps na pwede nating mauutangan online.
Kung ang purpose nyo para umutang sa mga lending apps ay pambili ng mga kinakailangan nyo sa bahay, mas mabuting gawin nyo lang ito sa GCredit. Kailangan lang na mayron kang GCash at matagal nyo na itong ginagamit sa iba't-ibang transaction. Dapat nagkaroon kana ng GScore. Paano palakihin ang inyong GScore para magkaroon ka ng GCredit?
Dapat active ang GCash account mo sa iba't-ibang transactions like BUY LOADS, BILLS PAYMENT, SEND MONEY, SAVE MONEY at iba pa. The more you used your GCash, the bigger the chance na lumaki ang GScore mo at kapag umabot kana sa around 500 GScore, magkakaroon kana ng GCredit. Once may GCredit kana, maaari mo na itong gagamiting pambili sa mga leading superstores at grocery stored nationwide.
Alam nyo ba na pwede kayong umabot sa credit limit na P30,000 kapag naging good payer kayo at palagi nyong ginagamit ang inyong GCash? Kung mayron ka ng GCredit, patuloy lang ang pagamit at siguraduhing maraming transaction ang inyong GCash para lumaki o tumaas ang GScore nyo. Malaking tulong ang GCredit dahil sa sobrang baba ng interest ng kanilang loan service.
Ang GCredit ay hatid sa atin mula kay Fuse Lending. Hindi na nagpapautang ng Cash ang Fuse Lending. Nakikipag tie up na sila kay Globe Telecom para makapagbigay sila ng pautang based sa rankings at activities ng isang Globe at TM subscribers.
Kapareho ito ng Pera Agad na naka tie up din sa Smart pero bigla nalang itong naglaho dahil sa hindi magandang pamamaraan sa paniningil nila sa mga nakautang sa kanila. Marami kayong mababasang hindi magandang reviews mula sa amin tungkol sa Pera Agad kaya hindi sila nagtatagal.
Kung gusto nyong magkaroon ng GCredit at GCash account, minumungkahi naming basahin ang aming guide kung papaano magkakaroon kayo nito:
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.