Ilang araw na rin itong makikita nyo sa playstore pero kapag tiningnan nga mabuti ang app na ito, mukhang hindi siya ganun ka siga compared sa iba. Sa kulay palang mukhang matamlay na. Lalo na kung babasahin nyo ang description, napakaiksi at nagmukhang walang kwenta. Kahit kami dito sa #UsapangperaPH ay may duda sa lending app na ito. Tanging ang palatandaan lang na para ito sa mga Pinoy ay ang symbol na PhP sa isa sa tatlong imahe o photos na nakapaloob sa description bukod sa kanilang logo na may pakurbang P -na maaaring nagkakahulugan ng Peso.
Paalaala lang mga gustong subukan ang lending app na ito, huwag gamitin ang mga parehong log-in details sa iba ninyong log-in information sa mga sinasalihan ninyong mga lending app. Malay natin baka nangunguha lang ito ng mga mahahalagang impormasyon at yon ang gagamitin nila para mapasok ang mga account nyo sa ibang lending app lalo na yong mga lending app na hindi mahigpit sa pagpapalit ng mga impormasyon sa disbursement section.
Kung mapapansin nyo sa baba, ang short description nila ay hindi talaga nakakapagpatunay sa pagiging solid ng kanilang operasyon. Kaya, pinapaalalahan ang lahat na mag-ingat. Kung gusto nyong subukan ang lending app na ito, gumamit ng mga kakaibang password combination at huwag kopyahin ang mga log-in details nyo sa ibang mga app para iwas problema. APPLY AT YOUR OWN RISK!
Product description:
Flip Cash is committed to enabling more citizens to enjoy convenient and secure financial services through Internet big data technology, so you can flexibly control your own assets anytime, anywhere.
Product advantages:
(1) No mortgage required. You only need to use one mobile phone to apply.
(2) Real-time audit, the fastest 3 minutes from the application to the next payment.
(3) Low cost, one-time charge.
Para makita nyo ang lending app na ito sa playstore, just follow this link:
http://bit.ly/FlipCashApp
Please panoorin ang video tutorial namin sa Youtube channel na USAPANG PERA TV at huwag kalimutang mag-SUBSCRIBE and also click the BELL button para makakatanggap kayo ng notification o ALERT kapag may bago kaming video tutorial sa isang lending apps o lending company.
Please panoorin ang video tutorial namin sa Youtube channel na USAPANG PERA TV at huwag kalimutang mag-SUBSCRIBE and also click the BELL button para makakatanggap kayo ng notification o ALERT kapag may bago kaming video tutorial sa isang lending apps o lending company.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.