Wednesday, June 26, 2019

Iwasang Gumamit ng Parehong Password

GUMAGAMIT ba kayo ng parehong password sa iba't-ibang lending app na hinihiraman nyo ng pera? Mahirap kasi tandaan kung gagamit tayo ng iba't-ibang password lalo na kung mahigit sa lima ang dapat mo tatandaan. Kaya ang iba, mas gusto nila na iisang password nalang ang gagamit para madali lang itong tandaan. Sa tingin o palagay nyo tama kaya ito?

Isang malaking pagkakamali kung yon ang ginagawa nyo. Isa sa pinagdududahan namin kung bakit nalusutan kami ng scammer ay dahil iisa lang ang gamit naming password dati sa pag register sa iba't-ibang lending apps. Hindi naman lingid sa inyo na gumagawa din kami ng video tutorial para mas mapadali ang pag-apply ng loan kung sa video format ito panonoorin. Kaya para mas mapadali namin ang pag register, iisang password lang ang ginagamit namin. 
Photo Credit: https://www.securitymagazine.com/articles/89049-why-people-are-password-walking

Isa na doon ang Atome, wala naman kaming balak umutang sa kanila. Ang purpose lang namin ay makagawa ng video tutorial at pati mga ibang features sa app ay makikita namin, para kung mayrong nagtatanong sa amin mas madali namin  itong masasagot. Hindi namin inakala na ma-approved yong loan namin.

Sa palagay nyo ba kung gusto talaga naming mag loan sa Atome bakit P1,000 lang ang inaplayan namin bakit hindi P4,000 pataas? Binayaran nga namin ang utang namin noon sa Moola Lending na P20,000 tapos every month P6,000 ang interest. Isang malaking kalukuhan kung P1,000 lang ang uutangin namin sa isang lending app.

Ayon na nga, approved kami sa Atome na walang tawag at confirmation tungkol sa amin. Baka pumasa kami dahil minimum amount ang inaplayan namin sa kanila. Bago pa kami nag-apply, nakailang lending app na rin ang nagawan namin ng video tutorial at iisang password lang din ginamit namin. Malaki ang posibilidad na yong scammer na umutang sa Atome gamit ang account namin ay malamang may-ari ng isang lending app or IT ng isang lending company. 

Yong talaga ang pinagdududahan namin dahil paano nya nakuha ang password namin. Siguradong isa sa mga apps na nagregister kami para sa video tutorial doon nila nakuha yon. Ito yong mukha ng scammer: http://bit.ly/AtomeScammer

Kaya ang maipapayo namin salahat, huwag gumamit ng parehong password para hindi kayo matulad sa nangyari sa amin. Ang mahirap sa Atome, hindi maganda ang system nila at mas lalong walang kwenta ang CSR at pati management. Hanggang ngayon walang ginawa sa concern namin.

CALLING ALL: Huwag nyo ng tangkilikin ang Atome, we recommend na mag-apply kayo sa mga sumusunod na recommended lending companies. Please panoorin ang aming video tutorial sa mga app na ito.


1. MeLoan Employee MicroLoan - https://youtu.be/9d6sB1yNoGU
2. MeLoan Student MicroLoan -  https://youtu.be/XtEhf9xnVA8
3. Tala Philippines - https://youtu.be/ZLQarj8d3FM

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.