Wednesday, June 19, 2019

Journey to Atome Unpaid Loan (21 Days)

Talamak ang pangscam sa loob ng Atome PH system. Ngayon, kung bubuksan nyo ang app nila, bubungad agad sa iyo ang isa kulay dilaw na ALERT sa bandang itaas, nagpaalala tungkol sa mga SCAMMER. Ibig sabihin, maraming pangyayari sa loob ng Atome PH na masasabi anting beyond their control. Dahil tulad ng sinabi ko napakaluwag ng security measure nila.



Hindi lang sa akin ito nangyayari. Alam namin na maraming nagiging biktima na napasukan ng scammer ang account ng kanilang mga client. Kahit hindi ka nagreloan, mayrong gumagawa nito sa account mo. Para sa amin dito sa www.usapangpera.ph wala kaming ibang hangad kundi matulongan ang mga followers namin na makakahanap ng legit lending online na hindi yong paaasahin ka lang tapos pababayarin ng processing fees through smartpadala tapos ang ending ay scam lang pala.

Marami na kaming natulongan at hindi na rin mabilang ang pasasalamat na natanggap namin dahil dito. Pero kahit ganun paman, mayron ding mga hindi nasisiyahan dahil nagkaproblema sila sa oras ng bayaran. Well, hindi na namin kasalan kung wala kayong pambayad, dahil hindi na namin problema talaga yon. Kayo naman ang humiram, kahit nga kami may utang din sa ibang lending app pero binabayaran namin. Maliban nalang itong kay Atome PH na hindi talaga namin ito babayaran dahil hindi naman kami ang responsible nito.


Kung mahigpit lang ang system ni Atome, hindi sila mapapasukan ng scammer. Ang masaklap, nadadamay ang mga inosente. Araw-araw dinadagdagan nila ng 2.40% tubo ang loan balance namin. Starting today, magbibigay ako ng update tungkol sa loan na ito hanggang mahanapan ng solution ito ng kanilang management.

Unang-una, ang CSR nila ngayon ay hindi na sumasagot sa amin. Last time, binanggit ni Ms. Meanne isang taga Atome PH, sabi nyo " under investigation yong case ko."  That was May 23 at ngayon mag-iisang buwan na at wala na talaga silang update. 


If they are serious about their services dapat gumawa sila ng paraan na hindi ma bother ang kanilang mga client. Kasalukuyang umabot na sa P4,050 ang referral commission namin. Mayron pa ring umutang sa kanila pero at least mangilan-ngilan nalang. We already delete our GUIDE POST tungkol sa Atome para totally wala ng mangutang sa kanila lalo na yong nakakaalam sa #POORCSRSERVICE nila.

Loan Balance Update:
Principal Amount: P2,000 (Loan initiated by the scammer)
Today 06/20/2019 (21 days OverDue): P3,246
Interest per day: 2.40%

#UsapangperaPH We are pushing to our READERS, NO LOAN TO ATOME PH. Palpak na system, poor CSR service. Hindi nakakatulong. Instead, nagdadala pa ito ng sakit sa ulo.


Attention: Ms Katie

Hi,

This is Katie, Quality Manager of ATOME  Micro Loan. Your concern was escalated to our department  and we have started the investigation. I am hoping we can call you to update you of the progress and to gather more details  to  further the investigation.  We apologize for the inconvenience this may have caused you.

Yan ang mensahe mo sa amin last time, mag-iisang buwan na hanggang ngayon hindi nyo pa din inaksyonan. Unti-unting nababawasan ang client nyo dahil kahit sila ay natatakot na rin umutang sa inyo.


Attention: Ms Meanne:

Hi,

We really appreciate or bringing again this matter to our attention. As we discussed via phone, we will be conducting another investigation re: this. 
I will call you again if may update na po. Please do change na po Sir yung password ninyo today.
Thank you for accepting my call. No worried I will personally handle your case po Sir.

-Meanne

Araw-araw mayron kang text na natatanggap at minsan tumatawag din ang mga agent nyo para maningil. Diba sabi mo ikaw ang mag handle na case na ito at sinigurado mong walang tatawag pero bakit mayrong tumatawag sa amin. Nanggugulo kayo sa taong hindi naman umutang sa inyo. Please aksyonan nyo na ang concern namin para hindi masisira ang reputation nyo sa mga tao.


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.