Hindi kami umutang sa kanila kaya hindi namin alam kung anong mayron sa serbisyo ng Peso2go. Wala din kaming balak na subukan dahil hindi favorable sa amin ang 7 days at 14 days payment terms. Malaki na nga ang interest, napakaiksi pa ng panahon na magagamit mo ito. Hindi lang naman ang Peso2go ang gumagawa ng ganito dahil halos lahat ng mga lending apps na lumalabas sa playstore lately ay ganun din ang kalakaran.
May nabasa lang kaming comment mula sa USAPANG PERA AT IBA PA Facebook fan page tungkol sa reklamo nya sa Peso2go. Unang basa ko palang parang nakuha na nya ang loob ko pero sa explaination nya later on, medyo hindi na ako sumasang-ayon. Akala nya naka-jackpot siya sa iba pang lending company na nahihiraman nya pero kung titingnan mong mabuti lugi pa rin sya dahil ang isa sa na mention nya ay ang Online Loans Pilipinas na alam naman natin na isa ding gahaman sa interest. Kung hindi nyo alam ang kwento, please basahin nyo ang previous post namin tungkol sa kanila:
Ito ang kanyang post sa aming fan page at tulungan nyo kaming himayin ito at para na din magka-idea kayo at maging eye opener sa inyo sakaling uutang kayo sa mga lending apps na kanyang binanggit:
"This peso2go is insane. Gud payer ako at advance p nga ako magbyad. Pang apat o panglima kong reloan declined? Kaloka db? Sabagay blessing in dusguise n din kc if d ako nadeclined di ako makapag apply sa iba until i found online loan pilipinas na mas mataas ang duration of payment na 30 days at mababa interest. So mas ok na ako sa online loan pilipinas. Kwago and pondopeso ay ok lang din. mabilis lang din ang pag disburse nila kagad sa reloan mo after kayo magbayad. Un nga lqng 14 days lang cla kahit nakailang reloan kqna s knila. Advantage lqng kay pondopeso kada tapos mo magbayad tumataas din ang pede mo utangin d tulad sa kwago kahit nakailan k ng reloan nakapako p rin sa amount sa una mong pag loan.pero ang pagdisburse sa pera superbilis after minutes lang pasok n kagad sa bank account ko. Share ko lang para may idea ang gustong mag loan sa ganeto.piliin nyo talaga kc ang iba jan madelayed k lang ihaharass k n just like upeso. Gud payer din ako dati sa upeso until one time nadelayed ako ilang araw kc umuwi ako leyte aun declined n ako nang mag reloan ako." - AL
Kung babasahin nyo, hindi talaga siya naka-jackpot dahil ang napupuntahan nya ay puro malalaki ang interest. Well, tulad nga sa sinabi namin ng paulit-ulit "kung kaya nyong pikitin ang iyong mata sa laki ng interest, why not?" importante lang naman ay kaya mong bayaran gaano man ito kalaki.
Kung puntahan nyo naman ang Peso2go sa kanilang app sa playstore, hindi pareho-parehong mga saloobin ng mga nakakautang na sa kanila. Karamihan naman, PWEDE na sa kanila ang Peso2go dahil mabilis lang ang proseso. Ang iba naman, nagagalit dahil na declined sila kahit nakailang repeat loans na. Hindi natin alam ang basis kung bakit na declined sila, maaaring mayrong nakita na inconsistency ang activities ng isang client lalo na pagdating as bayaran o ang mga impormasyon na later hindi na pasok sa policy ng isang lending companies. Karaniwang scenario na sa mga lending companies, every now and then ay binabago nila ang basis at policies nila to grant a loan to a client.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.