Monday, August 26, 2019

Pondo Peso Nasa Apple Store Na


Isa sa  pinakasikat na lending app ngayon ay ang Pondo Peso. Hati ang mga Pinoy  pagdating sa mga feedbacks nila tungkol kay Pondo Peso. Hindi na mabilang ang nag-apply ng loan sa Pondo Peso. Para sa mga hindi pa nakaranas ma delay sa kanilang loan kay Pondo Peso, patuloy pa rin silang umuutang sa app  na ito. 

Pero yong inaakalang katulad ng kapitbahay lang nila ang inutangan na pwede ipagpabukas o bukas makalawa, ayon nagkakaproblema dahil pinapahiya sila sa mga kaibagan at kakilala dahil nagtext blast ito sa kanilang contacts at pinapahiya sila.


Well, hindi naman talaga makatao ito dahil sa kunting halaga na inutang nila - nasisira ang kanilang reputation sa kanilang kamag-anak, kaibigan at maging sa mga boss nila. Pero ganito kasi yon, karamihan kasi sa atin saka lang kumikilos kapag araw na ng due date. Dapat kasi malayo  palang ay naghahanap na ng paraan para mabayaran ang kanilang utang.

Bakit nga namamayaggpag pa rin ang Pondo Peso ngayon despite sa mga bad reviews mula sa piling mga clients nila? Kung mapapansin nyo, halos lahat ng sulok sa internet mapapansin nyo ang kanilang mga advertisements. Bukod sa Facebook ads, lumalabas na rin sila sa Google ads kaya halos araw-araw marami pa ding umuutang sa kanila dahil sa mga ads na ito.

Pagkatapos mapahiya sa mga contacts saka pa maghahanap ng masusumbungan. Buti nalang nandito ang #UsapangperaPH (https://www.usapangpera.ph/). Ang #UsapangperaPH ay hindi konektado sa kahit anong lending app o lending companies. Kami ay gumagagawa lamang ng gabay sa iba't-ibang lending app and companies sa Pilipinas. Handa din kaming makikinig sa mga reklamo ninyo tungkol sa isang particular na lending app o companies. 


Bukod sa gabay o guide, we also write a reviews mapa good or bad para magka idea ang mga potential borrowers ng isang lending app o companies na nai-feature namin dito sa #UsapangperaPH , Pinoy Pautang Online Guide (Facebook Group), Usapang Pera At Iba Pa (Facebook Fan Page). Inaanyayahan namin kayong mag-email o mag-message sa amin kung mayron kayong mga hindi magagandang reviews sa isang lending app o companies. Pwede rin kayong mag recommend ng lending app o companies kapag maganda ang karanasan nyo sa kanila. You can reach us through our email: help@usapangpera.ph

By the way, ang Pondo Peso ngayon ay available na din sa Appstore. Lahat ng Iphone o Apple users ay pwede na magdownload ng kanilang app. Malawak na ang pinagsisilbihan ng Pondo Peso. Kung dati puro Android phone lang, ngayon pwede na ang Iphone at computer user dahil pwede na rin mag-apply gamit ang inyong computer o cellphone browser.

You directly find the app of Pondo Peso sa appstore, gamit ang link sa ibaba:

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.