Finally, may nanalo na! Ang natalo ay ang Fuwei Lending Corporation. Sikat sila ngayon sa fan page ng PIO NCRPO. Kinumpiska ang kanilang mga gamit na di umanoy nangunguha ng mga DATAS ng mga loan applicants nila. Dahil sa daming sumbong, ipinatutupad na ngayon ng mga police ang paghahanap sa mga involve na lending companies sa sinasabing nanghaharas na mga lending company o lending apps.
Ang mga tauhan ng Regional Special Operations Unit ng NCRPO under sa direct supervision ni Chief NCRPO, PMGEN Guillermo Lorenzo T. Elazar ipinatupad ang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data to Fuwei Lending Corporation, isang online lending company na gumagamit ng software application na nag-o-operate sa Unit 2204 Raffles Tower, Garnet St., Emerald Avenue, Ortigas Center.
Ang nasabing lending company allegedly charges SKY HIGH INTEREST rate at kung hindi ito nakapagbayad sa tinakdang panahon, they can access the contact information and other data tulad ng mga larawan at mga contact number sa cellphone nang applicants. Ito ang gagamitin nila sa panginginsulto, threaten, panghaharas at pamamahiya para mapilitan itong magbayad.
Ang mga online lending scam na ito ay nambibiktima ng mga libo-libong Filipino who fell to their traps.
"Alam nyo naman ang trabaho niyo! Alam niyo ba na may lima nang nagpakamatay sa ginagawa ninyong pananakot at panggigipit sa mga kababayan natin?" Ito ang pakiusap ni PMGEN ELEAZAR sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing lending company.
Kung bisitahin nyo ang page ng PIO NCRPO, inulang ng comments ang post nilang ito at marami ang natutuwa dahil may kinalalagyan na rin ang mga taong nasa likod ng panggigipit at panghaharas na nararanasa nila. Wala ni isa ang nanghihinayang na sila ay naipasara.
Isa sa mga nagkomento ay ang dating tauhan o nagtatrabaho sa lending na ito. Kinilala nito ang may-ari na siya rin umano ang nagmamay-ari ng PONDO PESO. Umalis daw siya sa kanila dahil hindi nya masikmura ang pinaggagawa ng kanilang kompanya hindi lang sa napakalaking interest kundi pati na rin sa panghaharas nito sa kanilang mga client na naging delayed sa pagbabayad.
Isang paalaala ito sa mga iba pang lending apps na halos pareho ang estelo ng pamamalakad sa paniningil at pagpatong ng abot leeg ang laki ng iinterest nila. Oo, napakadali lang mag loan sa mga lending apps na ito pero ang masama, ganun din kabilis ang pagtubo ng interest at penalties sakaling delayed ang isang client sa pagbabayad.
Ang tanong ngayon, sino kaya ang susunod na papasukin ng PIO NCRPO para sa next operation nila? ABANGAN!

Sana po c online loan pilipinas susunod sa sobrang laki po ng interest may binabawas pag po cla sa naloan kung halimbawa 2k loan mo magiging 1800 nalang ang makukuha mo iba pag po ung tubo sa 1month na 600 bale kailangan maibalik mo 2600 for1 month kc kung hindi may penalty pag cla na ipapatong na 1300 sa latepayment .pag hindi mo nabayaran ung contact mo kukulitin nila ..online loan pilipinas po ay ang dating moola ..imbes nakakatulong parang nababaon kapa..
ReplyDeleteButi ipinasara na..pondo peso sobra mangharash
ReplyDeleteUng pera lending po na online loans hindi nya ipapakita ang interest tapos sa araw ng bayaran dun lang isesend xau at pag nadelayed ka automatic na anlaki ng maidadagdag almost 1k kaya dpat mahuli un wala silang mobile apps link lang ang merun sila. Pati one cash at fast cash. Pondo peso number 1 sa laki ng interest yan pati pinoy peso.
ReplyDeleteHindi pa sarado po ang pondo peso
ReplyDelete