Hindi naman ganun kalaki ang interest ng Pondo Peso compared sa Moola Lending o Online Loans Pilipinas - ang bagong pangalan nila ngayon. Can you imagine, umutang ako sa kanila ng P20,000 pero P18,000 lang matatanggap ko dahil mayron silang 10% na processing fees.
Ibig sabihin sa P20,000 na loan mo, P2,000 agad ang mababawas tapos pagdating ng due date (30 days) ikaw ay sisingilin ng P26,000 kasama na ang interest. Mantakin mo, P8,000 ang kikitain nila sayo sa loob ng 30 days. Mahigit isang taon din ang pagtitiis ko para patuloy makautang at makapagbayad sa kanila. Ni minsan wala akong record na na-delayed ako sa pagbabayad.
Umabot sa P108,200 ang total na binayad ko para sa interest at processing fees sa kanila. Diba wala sa kalingkingan ang principal amount na P20,000 compared sa nakuha nila mula sa akin? Ganito kasi yon, malayo pa lang, at least 10 days bago ang due date ko, naghahanap na talaga ako ng paraan para makabayad. Ayaw kung masira ang aking reputation na matagal ko ng iniingatan kaya I did all my best para mabayaran ang mga ito.
Realtalk, marami o kadalasan sa ating mga Pinoy sanay sa pakikiusap pagdating sa utang. Based on my observation lalo na sa mga nagpapautang na bombay, nakakaawa sila dahil kung naubos na ang kanilang rason, nagtatago na ang mga ito. Minsan nga pinapahabol pa sila ng aso. Marami sa ating mga Pilipino, hindi marunong tumupad ng pangako kaya ang daming nabubuntis dahil sa pangakong napako. Hahaha just kidding! Hindi naman lahat pero majority talaga sa ating mga Pinoy ganun.
Hindi ko naman minamaliit ang kapwa ko Pinoy. Ako din nangungutang kaya pareho lang tayo pero ang kaibahan natin, yong willingness sa pagbabayad. Medyo wala ang karamihan, kung sakaling mayron man. Nasasanay sa pakiusap muna at saka na gumawa ng paraan kapag tagilid na.
Ang mapapayo ko lang, huwag pumasok sa kasunduan na alam mong sa umpisa palang ay tagilid kana. Mahirap mapasok sa problema na alam mong pwede naman maiwasan sana kung hindi lang tayo naging tanga sa umpisa. Laging tandaan na ang pagsisi ay always nasa huli.
Kung hindi nyo pa nabasa ang aming karanasan tungkol sa Moola Lending o Online Loans Pilipinas, please bisitahin ang link na ito:
Kung hindi nyo pa nabasa ang aming karanasan tungkol sa Moola Lending o Online Loans Pilipinas, please bisitahin ang link na ito:
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.