Tuesday, February 18, 2020

Free Data Mula Kay PLDT | Napaka Generous ni PLDT

Nothing unusual, para sa akin isang typical na araw lang ito ngayon. Dahil market day ngayon dito sa town namin kaya, inaasahan talaga na marami kaming customers galing sa iba't-ibang bayan, purok o barangay. Makulimlim ang panahon pero tuloy pa rin ang pagpasok ng aming mga customers. Maganda ang araw ko dahil pakiramdam ko ay malaki-laki din siguro ang sales namin nitong araw.

Mga banda 1:00 o'clock ng hapon habang may inasikaso akong isang customer, may tumawag sa cellphone ko mula sa 171. Ikaw ba naman halos every other day tumatawag sa number na iyon dahil sa problema ko sa dial tone at intermittent internet connection, siyempre alam ko na na taga PLDT ang tumawag.

Ayon nga nagpakilala na isang CSR ng PLDT kaya medyo excited pa ako sa tawag nya baka may magandang balita. Binanggit niya yong concern reference number ko pero hindi ko tiningnan kung tama ba yong number na iyon. Inaabangan ko yong goodnews niya kung sakaling mayron.


Akala ko maaayos na ang linya ko at babalik na ang telephone line namin pero iba ang sunod nyang sinasabi. Ang sabi nya mayron daw silang alternative to compensate my problem. Baka mayron daw akong wifi modem na gamit ay Smart or TNT sim para daw lolodan nila at free data ako within 7 days.

Naku po! hindi iyan ang inaasahan kong balita mula sa iyo. Wholesaler po ako ng loadwallet ni Globe at Smart kaya hindi ko kailangan ng free data plus free call at text dahil naka free call at free text ako palagi, monthly pa yong load allocation ko. Hindi rin ako mahilig mag data sa aking cellphone dahil mayron akong internet connection na kinuha mula sa inyo at nagbabayad ako ng P7,000 installation fee nong pinakabit ko ito.

Hindi ko kailangan ng free call at freetxt at mas lalong hindi ko kailang ng free data. Kumuha ako ng 20mbps na Home Fibr sa aking cellphone shop at 50mbps naman sa aming bahay. Para saan yong data na ibibigay nyo madam? Ang kailangan ko ayusin nyo yong serbisyo ninyo dahil nagbabayad ako ng matino para sana sa serbisyo na kailangan ko tapos ngayon bibigyan nyo lang ako ng free 21 week free data, with free call and text?

Ayon natakot si Mam CSR, nag segway nalang ito at sinabi sige sir babalikan ko nalang kayo pagkatapos kung ma follow-up ang concern nyo sa technical team. Paumanhin po madam CSR, alam ko hindi mo inaasahan na ganun ang reaction ko dahil free data ang dala mo. Baka akala mo, lulundag ako sa tuwa kapag nakakatanggap ako sa free na sinasabi mo.

Since December 22, 2019 wala ng kwenta ang telepono sa bahay at sa shop. Nagiging palamuti nalang ito at inalikabok na dahil hindi na nagagamit. Wala akong ibang hangad kundi maayos ang serbisyo nyo para naman fair yong pagbabayad namin ng bills bawat buwan.

PLDT umayos-ayos naman kayo. Nabibingi na ako sa kakasabi ng CSR na mayrong technical team na pupunta sa amin para ayusing ang problema sa linya ng aming fibr at telepono pero hanggang ngayon wala pa rin, at dalawang buwan na po. Huwag nyong hayaan na unti-unting mawawala ang mga subscribers nyo lalo pa ngayon na malapit ng mag-umpisa ang Mislatel. 

AGAIN, panawagan namin sa PLDT Davao Region specially Davao Oriental, ayusin nyo na mga problema ng mga subscribers nyo dito baka saka nyo na ayusin kung halos lahat ay hindi na kayo tangkilikin.


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.