Wednesday, February 12, 2020

Nakakatulong Ba Talaga ang mga Online Lending Apps

Karamihan sa ating mga Pinoy nagsasabing "Hindi daw tayo mabubuhay kung hindi tayo nangungutang". Ibig sabihin, simula pa nong bata pa tayo kakambal na natin ang utang. Hindi paman natin alam pero ang ating mga magulang o guardian ay umutang na para tayo o ang buong pamilya ay makaka-survive. Sumasang-ayon ako doon dahil namulatan ko talaga ang hirap ng aming pamilya at minsan nga nautusan pa akong umutang sa kapitbahay naming tindahan.

Hindi masama ang mangutang at mas lalong walang nakukulong dahil sa utang. Yan ay nasa batas natin under Philippine Constitution Article 3, Section 20. Pero hindi dapat din nating abusuhin ang batas na ito. Porke't walang nakukulong, utang naman tayo ng utang hanggang hindi na natin kayang bayaran.

Nauuso ngayon mga Online Lending Apps o OLA.  Kung dati kailangan pa nating mag submit ng napakadaming requirements para lang makautang ng sampung libo (P10,000) pero ngayon sa loob lamang ng isa o dalawang oras maaari mo na itong makukuha na hindi na kailangang lumabas ng bahay o magtungo sa opisina ng isang lending company. As long as mayron kang internet connection sa bahay linya man yan o mobile maaari ka ng makapag-apply ng loan gamit ang internet.

Nag level-up na din ang mga lending company gamit ang iba't-ibang uri ng mobile applications. Di hamak na mas mabilis ang approval at paperless na ito ngayon. Isa sa mabigat nilang requirements bukod sa personal details mo ay ang pagpasok nila sa cellphone. In what way? Kailangan mo silang bigyan ng access o i-ALLOW mo silang i-access ang iyong cellphone bago magpatuloy ang loan evaluation mo.

Kapag nabigyan mo na sila ng access sa iyong CONTACTS, INBOX, CALL LOGS at GALLERY -makukuha nila ang mga detalye sa nabanggit kong features sa iyong cellphone. Kaya malalaman nila kung sino yong madalas mong ka-text at katawagan. Lahat ng activities sa iyong cellphone pagdating sa tawag at text ay malalaman nila.

Hindi lang yan, ngayon ay hiningi na rin nila ang mga social media accounts mo like facebook, twitter at instagram. Pati ang Lazada, shopee at zalora accounts mo ay idinagdag na rin nila. Mayron pa ngang iba na pati online access mo sa Social Security System ay hinihindi din.

Kaya hindi lang detalye ng pagkatao mo ang nalalaman nila kundi pati din ang mga sekreto. Doon pa lang malalaman na nila kung anong klaseng tao ka! Doon din nila iba-based ang decision kung karapat dapat ka bang pautangin.

Oo, madali at mabilis lang mag-apply sa mga OLA pero kung iisipin nating mabuti lalo na pagdating sa interest na singbilis din ng metro ng taxi ang pagpatak nito bawat oras at araw. Dahil mabilis ang approval sobrang bilis din nilang magdagdag ng kung anu-anong mga charges. 

Ang OLA ay maaaring makakatulong nong unang apply mo lalo na't sobrang kailangan mo talaga at wala ka ng malalapitan pero kapag inulit mo at inulit mo pa uli, siguradong problema talaga ang hahantungan mo. Mas lalo pang lumala kapag ang ipinagbayad mo sa iyong loan sa isang app ay kukunin mo sa ibang app. Sa laki ng interest ng bawat OLA, siguradon hindi mo na kakayanin pa ang pagbabayad ng buong halaga. 

Hindi mo ito ramdam sa umpisa pero kapag nakapag loan kana ng dalawa o tatlong OLA tapos nakapag reloan ka ng dalawa o tatlong beses, doon mo na mapapansin ang pressure sa paghahabol kung saan mo kukunin ang ipangbabayad mo sa susunod na due date mo.


Based on our experience, HINDING-HINDI TALAGA nakakatulong ang OLA sa ating kahirapan. Instead, unti-unti kang ibabaon nito at mas lalo pang magpapahirap sa inyo. Kaya kung ikaw ay nasa sitwasyon na ngayon na nahihirapan na sa pagbabayad, ang maipapayo namin. PLEASE PLEASE PLEASE huwag nyo ng pahirapan ang mga sarili at pamilya nyo. STOP availing loan sa mga OLA. Para awa nyo na sa sarili nyo, marami pang madadamay pagdating ng araw na hindi nyo na kayang bayaran dahil lumulubo na ang interest nito.


Sa mga hindi pag sumubok ng mga OLA sa Playstore, mas mainam na huwag nyo ng subukan para hindi sumakit ulo nyo at makakatulog kayo ng mahimbing dahil walang manghaharas sa inyo pagdating ng due date.

Mahigit isang taon ng hindi na ako umutang sa mga OLA kaya tumahimik na ang cellphone ko sa kakatawag at text na mga reminders mula sa mga OLA. Ang mga sumusunod ay mga OLA na inuutangan ko dati:

1. Tala (Gold Member) - P10,000
2. Moola Lending (Online Loans Pilipinas na ngayon) - P20,000
3. Cashwagon - P16,000
4. Pera247 - P5,000
5. Atome PH - P5,000

Doon ako na-alarma kay Moola Lending, nong i-compute ko ang total PF at interest na naibigay ko sa kanila pati prolongation fees ay umabot ng P108,200 sa loob ng around 14 months. Kaya since nalalaman ko yon, I stop sa mga OLA. Kahit na ginamit ko ang inutang ko pandagdag puhunan sa negosyo ko, napagtanto ko na ang kinita ko pala sa negosyo dati ay napupunta lang din sa kanila.

Hindi assurance na registered ito nga SEC ay patusin na natin dahil kung hindi man lahat, karamihan sa OLA ay hindi tumupad sa kung ano ang mga detalye na isinumite nila sa SEC. Dalawang mukha ang pinaggagawa ng mga OLA. Una, yong fair agreement kuno na isinumite sa SEC at yong isang hindi makataong agreement na pinapataw nila sa kanilang mga biktimang client.

KAYA HUWAG NA KAYONG MAG-OLA PA!

2 comments:

  1. Legit po ba ang mga apps na ito pinoy peso, pautang online, pondo loan, start loan, super cash, cash porter, peso cash, peso loan, support, cash baka, fast cash, kusog pera, peso mio, juan hand?

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.