On March 26, 2020 umuwi na ang 142 medical personnel na unang tumulong sa Wuhan noong kasagsagan ng COVID-19 outbreak. Ang mga nasabing personnel ang mula sa Xinjian Medical Team. Ibig sabihin nito, hindi na sila kailangan sa Wuhan ngayon dahil nalabanan na nila ang virus sa Wuhan.
Ang balitang ito ay inilabas sa Facebook page ng Global Times. Ito ang mababasang description sa ipino-post nilang video.
"Thanks to Xinjiang! Thanks to Wuhan! 142 medics with the Xinjiang medical team sent to Wuhan to fight #COVID19 returned home on Thursday. People expressed their gratitude to each other during a farewell ceremony at the airport. 158 team members will remain in Wuhan to continue treating patients."
Isa itong magandang balita hindi lang sa China particular sa Wuhan kundi pati na rin sa buong mundo dahil pinapakita lang nito na kaya palang labanan ang virus kapag ang lahat ay nagkakaisa at nagtutulongan para malabanan ang pandemic na ito.
Ibig sabihin, kung kaya ng China siguradong kaya din ito ng Pilipinas kung tayo ay magkakaisa na labanan ang outbreak na ito. Importante lang lang na magtulongan at sumunod sa pamahalaan lalo na sa pagpapatupad nito ngayon ng Enhance Community Quarantine. Kung lahat ay sumunod sa patakaran at lumabas lamang kung kailangan, siguradong hindi magtatagal ang ECQ na ito.
Panawagan sa mga mamayan, STAY HOME para makaiwas sa virus. Ang pagsunod natin sa utos ay hindi lang para sa sarili natin kundi para din sa pamilya natin. Kung kaya natin na magkasakit tayo, baka kailangan mong tanungin ang sarili mo kung :KAYA BA NATIN MAKITA ANG ISA SA PAMILYA NATIN nahawaan ng virus dahil sa katigasan ng mga ulo natin. Siguradong hindi talaga natin kaya dahil kita mismo, naghihirap sa pagtatrabaho hindi para sa atin kung para sa pamilya natin.
KAYA MAG STAY HOME NA TAYONG LAHAT.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.