We make a simplest way to determine the legitimacy of a certain Online Lending Applications to help our readers in evaluating a lending app before they pursue their eagerness to apply a loan. Dumadami na kasi ang bagong labas na OLA (Online Lending Apps) ngayon. Mahirap ng i-identify ang legit at ang hindi. Pag sinabing legit, dapat pasado sa limang ways na ito.
5 WAYS TO LEGIT CHECK AN OLA
1. BASIC INFORMATION
2. DETAILED LOAN GUIDE
3. REAL INTEREST RATE
4. SEC REGISTERED
5. FEEDBACK AND REVIEWS
Basic Information
Dapat ang isang OLA ay kaaya-aya ang nakalagay na information sa kanilang app description sa Playstore or sa Appstore. Pag sinabing kaaya-aya, dapat makuha nito ang kiliti ng isang potential client or customer. It should be BRIEF and CONCISE. Walang halong biro o yong tipong pawang kasinungalingan lamang ang nakasulat.
Detailed Loan Guide
Kung mayron kayong alam na legit OLA, makikita nyo sa kanilang app description, mayrong detailed guide. Ito ay maaring screenshot or video. Kung ang OLA na gusto nyong aplayan ay walang guide, maaaring ito ay huwad o scam.
Real Interest Rate
Pagsinabing real, it means totoo yong nakasulat ng interest rate. Most app na huwad ay hindi nilalagay ang saktong interest rate. Kapag sinabing 24% per annum, dapat ang interest rate per month ay 2% lang. Pero sa mga SCAM na app, halos lahat ay 1% per daw o 30% per month ang ipinapatupad nila. Ibig sabihin panlinlang ang nilagay nila para makuha nila ang client sa panloloko.
SEC Registered
Lately, sinasamantala ng mga OLA ang maluwag na requirements ng SEC. Mayrong dalawang mukha ang impormasyon na ginagawa ng mga OLA. Yong isinumiti nila sa SEC ay medyo mapapaniwala nila ang nag-i-evaluate dahil halos kapareho lang ng normal lending na mayrong mga opisina pero yong pangalawang impormasyon na ginawa nila, yon ang ipinapatupad nila sa mga customers o clients nila. Walang kaalam-alam ang mga nasa SEC.
Kaya sa ngayon, hindi na natin masasabing LEGIT ang isang OLA dahil mayron silang CA o Certificate of Authority to operate. Dahil pandadaya lang nila ang SEC registration nila para makakuha at makapanloko ng mga customers o clients nila.
Feedback And Reviews
Bawat OLA ay mayrong RATE and REVIEWS section. Doon mo malalaman kung maganda o hindi ang isang OLA based doon sa ratings at reviews na ibinibigay ng mga nag-apply na sa kanila. Kung maraming POSITIVE ratings at reviews, maaaring pwede nyo itong sunggaban pero kung halos lahat ay nigatibo, aba! magdalawang isip na kayong ituloy ang loan application nyo.
Conclusion
Kung ang isang OLA ay pasado, o CHECK sa limang nabanggit siguradong minimal lang ang problema na maidulot nito kapag nagka-abirya. Kay siguraduhin na pasado sa lima bago mag-apply. Kung palagay nyo naman ay pwedeng bigyan ng chance ang isang OLA, make sure na sa pang lima o yong FEEDBACKS AND REVIEWS ay pasado sila. Kasi the best pa rin ang batayan kung ito ay galing mismo sa mga sumubok o naka-experience na sa kanila.
Para manood ng mga video guide namin tungkol sa mga OLA, panood nyo ito mula sa aming Youtube channel na USAPANG PERA TV. Please visit the link below, and don't forget to SUBSCRIBE:
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.