6 Amazon US Warehouses Workers Test Positive for Coronavirus

Share:
Ang Coronavirus outbreak sa America ay umabot kahit sa anim (6) na warehouses ng Amazon. Infected ang maraming employees nito na taga hatid ng packages sa mga consumers nila na ayaw lumabas dahil nga sa takot mahawaan sa COVID-18. 

Ang anim na warehouse na apektado ay ang sumusunod: New York City; Shepherdsville, Kentucky; Jacksonville, Florida; Katy, Texas; Brownstown, Michigan; and Oklahoma City, ang report na ito ay mula mismo sa Amazon at media reports.
Image: ABS-CBN News

Hininto ng Amazon ang kanilang mga facilities para malinis at yong mga trabahante na mayrong close contact sa mga infected colleagues ay naka quarantined na ngayon.

Noong nakaraang linggo, na alarma ang mga trabahante sa mga warehouse na kulang yong precautionary measure para protektahan ang mga ito na mahawaan sa naturang virus. Matapos mapag-alaman na ang kanilang warehouse sa Spain at Italy ay nagpositibo ang mga workers doon sa virus.

Simula noon, mahigit 1,500 Amazon workers around the world ang pumirma sa petition na dapat ang Amazon ay gumawa ng mga hakbang para maging safe sila sa virus whila nagtatrabaho.

Dahil dito maaaring apektado ang lahat ng mga nagta-trabaho online dahil ang mga orders ay hindi na agad ma-proseso dahil maraming mga tauhan ng Amazon sa nasabing warehouse ay naka quarantine sa ngayon. Kung ikaw ay isa sa mga kumukuha ng mga orders online para sa Amazon, expect na po na maaari din kayong apektado sa pangyayaring ito.

Para sa karagdagang impormasyon, you can visit this link para sa buong balita tungkol dito:

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.