Problemado pa rin ang pamahalaan ng Pilipinas dahil sa mga taong matitigas ang ulo, kahit ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ). Pinapayuhan ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at maaari lamang lumabas kapag ikaw ay bibili ng pagkain at gamot o pupunta sa ospital. Gayun pa man, patuloy pa rin ang paglabas ng mga mamamayan kahit wala naman itong importanteng gagawin sa labas.
Actually, hindi lang naman ito nangyayari sa Pilipinas. Ganito din ang nangyayari sa ITALY at SPAIN. Kaya kung mapapansin natin ang COVID-19 statistics, nangunguna ang ITALY, sumunod ang USA at pangatlo ang SPAIN kung hindi natin isasama ang CHINA -ang pinagmulan ng outbreak na ito. Hindi rin siniryoso ng mga bansang ito ang lockdown na ipinatupad ng goberno nila kaya dumadami araw-araw ang nahawaan ng virus at syempre dumadami din araw-araw ang namamatay.
Napakalayo ng Pilipinas kung ikompara sa mga mga bansang nabanggit pagdating sa medical at health facilities pati sa mga benepisyo pero sila hirap sugpuin ang virus, paano pa kaya kung mangyayari sa Pilipinas ang nangyayari sa mga bansang nabanggit. Kaya mahigpit na ipinatupad ng goberno ang nasabing ECQ pero tuloy pa rin ang paglabas ng mga tao. Ang masaklap, dumadami na sa ating mga frontliners and nadali at ang masapa pa, mahigit sa tatlong doctor na ang namatay dahil sa kanilang pagtulong mga mayrong COVID-19.
Baka kailangan ng gayahin ng Pilipinas ang ipinatupad na LOCKDOWN ng JORDAN. Walang pinapahintulan na lumabas sa kanilang bahay. Lahat ng grocery at phamacy ay sarado din. No one is allowed to travel anywhere. STOP na rin ang domestic at international flight. Mahigit 9.7 milyon lang ang population ng JORDAN at mayron na sila ngayong 172 COVID-19 cases and counting.
Para sa karagdagang impormasyon, please panoorin ang video sa link na ito:
https://youtu.be/pisSDXydooY
https://youtu.be/pisSDXydooY
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.