Paano Mag Share A Load sa Globe at TM?

Share:
Kung ikaw ay gustong kumita mula sa inyong customers tapos hindi ka naman Globe Retailer o Autoloadmax Retailer, pwede kapa ring magbinta ng LOAD through share-a-load. Bilang isang SUBDealer ng Globe Airtime load at kami ay nagbibinta ng loadwallet, para pa rin kasi ang ayaw bumili ng Globe Retailer Sim at mas gusto nilang other way nalang daw na pagbibinta ng load.

Inirekomenda namin na gawin nalang ang share-a-load kung ayaw nilang bumili ng retailer sim. Medyo may kamahalad din kasi ang retailer sim kung binibili mo ito sa mga SUBDealer. Ang pambili mo ay pwede ng start-up capital sa iyong loading business. Ang problema lang kasi sa share-a-load, bawat transaction mo ay may P1.00 system charge. Ang P10 na transaction, may karagdagang P1 na charge so ang mababawas sa load mo ay P11.

Samantalang kung ang gagamitin mo ay load from your loadwallet, buong P10 lang ang mabbaawas ay mayron pang 5% na discount. Meaning nasa P9.50 lang ang mababawas sa iyong loadwallet. Kung ang P10 mo na load ay ibininta mo ng P13 sa iyong customers, Mayron ka ng P3 na profit kung retailer sim ang gamit mo pero kung ang gamit mo ay share-a-load, P2 lang ang kikitain mo. Paano ba gagawin ang share-a-load?

Mayrong Tatlong (3) Paraan Para Makapag Share-a-Load

1. Pumunta sa message section ng inyong cellphone at i-type ang amount, then send to 2+10 digit cellphone number ng inyong customer or kakilala.

Halimbawa:
Kung ang customer cellphone number na gusto mong magshare-a-load ay ganito - 09171234567 tapos ang gusto nyang bilhin o i share-a-load sa kanya ay P20. Ito ang gagawin mo:

Type 20 at i-send sa 29171234567, mayron kang matatanggap na text o SMS mula sa 2916 na nagsasabing successful o hindi ang transaction nyo. Minsan din kasi hindi successful lalo na kung busy ang system ni Globe.

2. Para mas secure ang inyong share-a-load transaction, lagyan mo ng PIN. Purpose nito, hindi makapag share-a-load ang mga anak mo, magulang mo, friends mo o mga magnanakaw ng load kapag hawak nila ang cellphone nyo. Paano mag register ng PIN?

Sa message section ng cellphone mo, just type REG space 4 DIGIT PIN space PIN CLUE sakaling nakalimutan mo ang 4 digit PIN mo at i-send mo sa 2916.

Halimbawa:
Kung gusto mo 4 digit PIN ay 0123 at ang CLUE mo ay GWAPOAKO, ganito ang pag register mo:

Type REG 0123 GWAPOKO send it to 2916. Makakatanggap ka ng SMS or text na successful ang registration nyo.

Paano magshare-a-load kung ang gusto mong i-share na load ay P20?
Type 20 0123 at i-send ito sa 2916, ilang saglit lang may SMS o text kang matatanggap na successful ang transaction nyo.

3. Pwede kang magshare-a-load sa pamamagitan ng pagdial sa *143# mula sa iyong Globe or TM cellphone. Piliin nyo lang ang option 6 to share-a-load or know more share load promos.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.