Friday, April 17, 2020

PLDT and SMART Offer 6 Month Installment Bills Payment

Dahil sa nangyaring krisis ngayon sa ating bansa, nahihirapan ang lahat sa pagbabayad ng ating mga monthly bills. Nasa Enchance Community Quarantine (ECQ) ang karamihang lugar sa Pilipinas. Ibig sabihin limited lang ang bukas na establishment. Walang trabaho ang karamihan sa atin at maraming negosyo ang nagsara dahil hindi ito related sa pangangailangan ng lahat. Mayron lang iilang pinapahintulan ng gobyerno para magbukas at magbigay ng serbisyo.

Yon mga nagsarang negosyo, siguradong wala ding trabaho ang mga tauhan nila. Saan sila kukuha ng pambayad sa kanilang mga bills? Syempre walang mapagkukunan, pending lahat muna habang walang trabaho. Mas inuuna ng karamihan ang budget sa kanilang pagkain habang walang trabaho dahil majority ng kanilang kompanya, ipinapatupad ang NO WORK NO PAY! Marami ang naging aburido kung saan na kukuha ng kanilang monthly budget. Sa ngayon, wala na ring magpapautang na mga lending kasi wala namang kasiguruhan kung kailan ito matatapos.

Marami ang tumugon sa panawagan ng Pangulo ang "Bayanihan to Heal as One" Act o ang Republic Act 11469. Isa na rito ang PLDT at SMART. Agad silang nagpalabas ng announcement tungkol sa 30 day Bills Payment Extension at sumunod naman ang iba tulad ng Meralco, Globe at pati mga bangko.

Hindi pa natatapos ang magandang balita ng PLDT at SMART, hindi lang 30 day extension ang binigay nila. Nagpapalabas uli ito ng bagong announcement na ang bill balance as of April 30 ay maaari itong babayaran sa loob ng 8 months. Which is hindi mabigat para sa atin dahil sigurado na mahihirapan pa tayong makakaipon after sa crisis na kinakaharap natin sa ngayon. 

Para sa akin, enough yong 6 months na palugit para makaipon o makahanap tayo ng pambayad sa ating PLDT at SMART bills. Marami ang natuwa sa bagong anunsyo na ito at sana sumunod din ang iba pang mga company lalo na ang mga lending at mga bangko.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.