It's been a long while, medyo nanahimik ako sa pagsulat regarding sa iba't-ibang online lending application dahil ilang buwan din na nanahimik ang mga OLA pero ngayon ay unti-unti na po silang bumabalik at nag-uumpisa na naman sa pangungulit at panghaharas. Marami na naman akong nababasang mga comment sa aking Youtube Channel na "USAPANG PERA TV".
Ilang buwan din na nahinto ang pagpapautang at nahinto ang paniningil pero ngayon, nabubuhay na naman ang estelo ng mga lending collectors na takutin at harasin ang mga umutang sa kanila na hindi nakapagbayad at hindi sinunod ang napag-usapan na petsa ng bayaran.
Mahirap maghanap ng pera ngayon lalo na't karamihan ay nawalan ng trabaho dahil maraming mga kompanya ang nagsara dahil wala ng binta at syempre kailangan din nilang sundin ang mandato ng gobyerno na kailangang manatili muna sa ating mga tahanan. Isa kaba sa apektadong mamayan sa nagyari ngayon sa mundo? Ano ba ang ginawa nyong paraan para kahit papano ay makakabili man lang ng kunting bigas at pang-ulam?
Marami sa atin ang naghaharap ng mauutangan para makaraos man lang pero ang problema, hindi pa natin alam kung saan kukunin ang pambabayad natin sa mga inutangan. Dahil marami ang nangangailangan ng pera ngayon, sinasamantala din nga mga OLA ang kahirapan ng karamihan. Dahil walang trabaho o nawalan ng trabaho, hirap ang iba makahanap ng pambayad.
Nag-uumpisa ng hinaharas sila ng mga collectors. Binabantaan at kung anu-ano pang sinasabi para pwersahing magbayad. Ang iba lalo na first timer sa pangungutang online, hindi na makakatulog dahil natatakot at napuno na ng stress sa kakaisip saan kukunin ang pambayad. Masakla, hindi pa kontento ang collectors na bantaan ang umutang, pati pa mga kaibigan at kung sino pang mga tao na naka phonebook sa kanilang cellphone at tinitext at pinapahiya sila.
Huwag kayong masyadong kampante dahil nakakahanap kayo ng mauutangan at ang iba napakabilis pa ng approval hindi gaya nong mga local lending companies na nasa ating lugar na ang daming hinihingi bago ma-approve pero yong iba disapprove pa. Halos lahat ng Online Lending ay napakataas ng kanilang interest rate. Although ayaw nilang aminin na LOAN SHARK sila pero sa pamamaraang pinapatupad nila, klarong sila nga yon.
Sa susunod na mga araw, isa-isahin nating reviewhin ang mga Lending Application na lumalabas ngayon sa Playstore at sa Facebook Ads. Abangan......
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.