Recently I received an email from Ms. Shiela isang Head of Business Development ng Atome PH na nagrequest na ipa-delete yong isang post namin tungkol ito sa isang loan guide ng Atome PH. Dahil sa ngayon hindi na sila tumatanggal ng loan application. Based sa kanyang email, they are no longer offering any kind of loans.
Kung napapansin nyo, nasa Playstore pa rin ang kanilang app pero kung bubuksan nyo ito wala ng lumalabas. White screen nalang ang makikita nyo sa inyong mga mobile screen. Ito'y sa kadahilanang they discontinued their loan services.
Marami na din ang nag-email at nagtatanong tungkol sa kanila pero hindi namin ito nasagot dati dahil wala rin kaming alam kung bakit pero ngayon nilinaw na nila ang reason kung bakit wala ng makaka-access sa kanilang loan services sa app.
Marami ang nanghihinayang pero wala na tayong magagawa dahil desisyon ng management ito. Bukod sa mabait naman daw ang mga agent ng Atome PH, hindi rin daw ito strikto pagdating sa paniningil unlike sa ibang mga Online Lending App.
Dagdag pa ni Ms Shiela, nag-rebranding daw sila. Wala pa kaming information kung anong services ang bubuksan nila soon. Pero I think hindi na ito related sa loan services. Baka magiging e-wallet nalang sila. As of this writings, wala pa kaming alam tungkol dito.
Sa pamunuan ng Atome PH, maraming salamat sa heads up. Maraming salamat din sa pakikipag-ugnayan sa amin dito sa USAPANGPERA.PH. Wishing you more luck sa bubuksan ninyong bagong fintect business sa susunod na araw o mga buwan. At kung kailangan nyo uling ma-feature dito, don't forget to inform us.
Thank you very much Atome PH
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.