Isang Staff ng Tagum Cooperative Mati Branch Mas Malupet Pa Kay sa May-ari ng Coop!

Share:

Bilang isang member ng Tagum Cooperative, I have the right na i-grant ang mga goods and services ng kooperatiba. Dahil mayron akong isang maliit na negosyo, kailangan kung umutang para ma-sustain ang aking daily cashflow at pati na rin additional capital. From the very start na umutang ako sa Tagum Cooperative, wala naman po akong nagiging problema lalo na sa pagbabayad. Yong lahat na tseke na inisyo ko ay updated naman ang clearing date.

Bukod sa updated ang aking loan payments, unti-unti na ring lumalaki ang aking share capital sa kanila. At dumadami na rin ang aking mga savings at lumalaki na din ang aking ADB every month. Since I joined Tagum Coop, never po akong nag widro ng aking funds dahil iniipon ko ito para sa future.

Mahigit P100K na ang total kung naiipon na nasa kanila kasama na ang share capital. Hindi kalakihan pero malaking bagay na po ito para sa aking na isang ordinaryo at typical na small entrepreneur. Nagugustuhan ko ang pamamalakad ng Tagum Cooperative lalo na ang kanilang Branch Manager. Bukod sa magaling, sobrang mabait din ito sa mga client nila. So far, hindi ako nahihirapang mag-apply ng loan at pati ang pagiging member. 


Yong screening din ng mga loan applicants ay napakadali dahil mababait din ang mga nakatuka sa section na yon. Nandiyan din ang kanilang napaka-approachable na Teller at Receptionist. Syempre pati ang Secutiry nila well oriented. Despite sa mga mababait at magagaling na mga staff mayron talagang isa na bukod tanging hindi mo kayang mapakiusapan. Hindi ko alam kung ugali nya yon or kulang lang talaga sa orientation. I think hindi siya dapat ma-assign sa area kung saan madalas siyang pakiusapan ng mga client.

Noong February 4, 2021, tumawag ako sa Tagum Coop Mati branch gamit ang telephone. Mas gusto ko kasing gumamit ng telephone dahil ang cellphone after 5-7 minutes napuputol. Kaya hindi na ako madalas nagpapa-load simula nong mag ECQ ang Pilipininas. Isa pang dahilan, pakiramdam ko mas legit ito kay sa gagamit ng cellphone na ngayon dumadami ang mga bugos calls.

Sinagot ako ng isang babae sa kabilang linya na animo'y kakagising lang mula sa isang short nap. Dahil siguro 1:12pm yon kaya baka na storbo ko siya sa kanyang tulog. Tinanong ko siya kung open ba sila, sabi nya open naman daw. Hindi rin ako aware kong 1:30pm ba ang opening ng coop sa hapon. Then, ni-relay ko sa kanya ang mensahe na gusto kung malaman kung magkano balance ko sa aking loan at yong dalawang tseke ko na natira kung pwede ideposit nila that day at gusto ko malaman kung magkano ang kulang para magtransfer nalang ako ng fixed amount through ECPay dahil alam ko connected ang Tagum Coop sa ECPay at ako din ay connected then.

Instead, na kukunin ang aking mensahe. Sinabihan nya ako na tumawag sa Cellphone para madala nya sa Accounting kasi hindi daw pwede dalhin yong telephone. Ni please hindi man lang nabanggit. MAHIRAP TALAGA KAPAG MAY UTANG KA, MINAMALIIT KA NG MGA NASA MALAMIG NA OPISINA. Sabi ku sa kanya kung pwede, ang accounting ang patawagin sa akin kasi telephone lang ang pantawag ko, wala akong load sa cellphone hindi ako makakatawag. Hindi nya na ako pinakinggan at antayin ko nalang daw ang kanila update.

Wala pang 3 minutes nagreply na siya sa akin na dalawang tseke nalang daw ang natira. Eh, alam ko naman na dalawa nalang ang tseke ko na nasa kanila na hindi pa na-deposito sa bangko. After mga 15-30 minutes napilitan akong magpa load at tawagan ang sinasabing accounting. Kaso ang sumagot sa cellphone siya pa rin. Inulit ko ang sinabi ko sa kanya na kailangan kon malaman kung magkano ang amount na matira kung ma-deposit ang dalawang tseke para matransfer ko sa ECPay ang balance. Alam nyo kung ano ang sinabi nya, mag-antay daw ako ng update mula sa accounting maya't-maya.

Ang tanung ko Tagum Cooperative, gaano ba kahirap i-retrieve sa system ang isang account? I think 5 minutes lalabas na yon. At nakita ko naman noon na kahit kinausap pa ako sa screening section, iniwan ako at umalis ang nagscreen sa akin para unahin yon tumawag. O sadya lang talagang wala sa hulog ang taong sumagot sa akin at hindi sineryoso ang aking concern.

Natapos ang araw at walang update mula sa kanila at walang nangyayari sa akin concerned. At kinabukasan, I got a nofification mula sa Tagum Cooperative na pinasok na ang isang tseke ko. Ang galing talaga nong nakausap ko! Instead na mag cleared ang aking utang noon February 4, walang nangyayari at nong tsenek ko sa Tagum Coop app. Isang tseke lang talaga ang pinasok. Tagum Coop management baka naman may problema ang staff na yon na hindi nyo na address kaya naipasa nya sa amin.

Nawalan na rin ako ng gana na i-settle ang buong amount kinabukasan. OK lang sana kung walang interest at penalty pero mayron eh. Sana makatanggap ako ng feedback mula mismo sa management ng Tagum Coop.


No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.