Ingat sa mga Loan Shark na Online Lending

Share:
Ang LOAN SHARK lending ay yong mga lending na sobrang taas ng processing or service fee plus mataas din ang interest. Naging talk of the net na ito ngayon dahil sa naglipanang mga Online Lending at Online Lending Apps. Mas lalong dumami ang lumalabas na mga OLA lalo na ngayong pandemic. Halos weekly, merong bagong OLA na makikita sa Google Playstore. 

Hindi lang sa Playstore makikita ang mga OLA na ito pa na rin sa iba't-ibang social media gaya ng Facebook at Youtube. Tadtad ng iba't-ibang mga ADS ng OLA ang dalawang nabanggit ng socmed. Dahil dito marami ang napahamak sa mga Loan Shark. Pagandan ng Ads kaya marami ang nabighani at agad itong inaplayan. Ang ending malaking problema ang kinakaharam nila ngayon lalo na yong nawalan ng trabaho at walang pambayad.



Hindi na mabilang ang mga taong humihingi ng payo kung anong dapat gawin dahil kasalukuyan sila hinaharas ng mga OLA at mga collectors. Mayron na rin namatay dahil nag suicide ito ng hindi makayanan ang panghaharas at pananakot ng mga OLA. Marami ang nabaon sa utang dahil umutang lang din sila ibang OLA para makabayad sa mga nag DUE ng OLA.

Kahit mayron ng mga na-takedown na mga OLA, patuloy pa rin ang operasyon nila at ang ibang pina-takedown ay nagpatuloy pa rin dahil gumagamit ito ng bagong pangalan. Ang ibang Loan Shark naman ay nagpapalit ng pangalan para hindi mapa-takedown. Mahirap kumita ng pera ngayon, pero itong mga Loan Shark ay naging porsigido upang gawing milking cow o gatas ang ating mga kababayan. Yong iba, hindi na alam saan pa kukuha ng pambayad pero dahil natatakot harasin, kung anu-ano nalang pinaggagawa para lang magkapera ay mayrong pambayad sa mga OLA.

Kung ikaw ngayon ay isa sa mga nagiging biktima ng mga OLA, huminto kana habang maaga pa at hindi ma masyadong malala ang sitwasyon na kinakaharam mo. Sa ayaw at sa gusto mo, darating talaga sa point na ipapahiya ka haharasin kaya habang kunti palang sila ang manghaharas at mananakot sa iyo, iwasan mo na ang mga OLA. Kung wala kang pambayad, magpalit ka nalang ng simcard para hindi kana nila makontak at tumahimik ang buhay mo.

Huwag na huwag kang magpaloko sa mga Loan Shark para hindi gumulo ang buhay mo at ng buong pamilya nyo. Iwasan ang mga OLA huwag magpapaloko.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.