Matagal na rin itong si Cashbee na nag-oofer ng loan online. Gaya ng ibang mga Online Lending App, madali lang ang approval nila basta na provide ng loan applicants ang basic requirements nila. Sabi pa nga ng karamihan, walang koskos balungos daw ito si Casbee pero ano kaya ang dahilan ng mga ex-borrowers kung bakit ayaw na nilang umulit pang umutang at bakit din marami ang hindi na nila binabayaran ang utang nila kay Cashbee.
Let's talk about 3 things to determine if ang Cashbee ay dapat ba nating utangan para matulongan tayo sa ating basic needs lalo na ngayon panahon ng pandemya nangangailangan ang karamihan ng financial assistance.
1. LOAN SHARK
Tanong: Isa bang loan shark ang Cashbee?
Answer: YES
Isa sa mga nag-charge ng malaking service fee or processing fee ang
Cashbee kaya kung kayo ay approved sa halagang P5,000 ang makukuha or matatanggap nyo mula sa kanila ay P2,600 nalang. Hindi malinaw ang binigay na breakdown ng loan computation sa bawat borrowers nila. Hindi specific ang breakdown para magiging clear ito sa mga borrowers kaya nahihirapan ang karamihan magbayad sa sobrang laki ng hahabulin nilang amount para mabayaran ang kanilang loan balances within 7 days. Ang masama pa roon yong processing fee or service fee ay hindi pa sapat at nagpapatong pa sila ng interest na naglalaro din sa P1,500. Meaning ang P2,600 na nakuha mo sa kanila, within 7 days kailangan mong bayaran ang iyong loan balances na nagkakahalaga ng around P6,500. Napakalaking pabigat ito para sa mga ordinaryong tao na umaasang matulongan sila sa perang inutang mula sa Lending app.
2. DATA PRIVACY VIOLATION
Alam nyo ba na isa din si Cashbee sa mga nanghihigop ng personal details nyo bago paman ma-approved ang inyong loan application? Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paghingi ng access sa inyong cellphone bago ninyo gawin ang pag-fill up ng mga importanteng mga detalye tungkol sa sarili nyo at sa source of income ninyo. Lalabas ang isang maliit na window at kapag ni-YES nyo yon agad silang magkakaroon ng access sa inyong cellphone at makukuha nila ang mga sumusunod:
a. contact list - lahat ng laman sa inyong phonebook ay makukuha nila.
b. inbox -magkakaroon sila ng access sa inyong mga messages
c. gallery - makikita nila ang mga laman ng inyong gallery.
Walang collateral ang mga Online Lending pero yong personal information nyo na mas mahal sa kahit anong physical collateral gaya ng land or lot tittle ay makukuha nila. Ito yong ginagamit nila para kayo ay habulin kapag hindi kayo nakapagbayad. Ang masama, ginagamit nila ito sa panghaharas at pananakot sa iyo. Yong contacts mo kahit hindi mo sila ginawang CO-MAKER ay madadamay sa utang mo dahil babaliktarin ka nila. Ipapalabas nila na scammer ka at tinakbuhan mo ang iyong utang. Ginagawa mo rawng comaker sila (lahat ng contact list). Which is hindi naman totoo dahil illegal po nilang ginagamit ang iyong personal information at contacts for the sake sa pera na kikitain nila mula sa iyo. Mag-ingat sa mga mahahalagang tao na nakalagay sa phonebook nyo. Kung gusto nyo talagang subukan ang Online Lending dapat tanggalin nyo ang mga taong malapit sayo at mahahalaga sa buhay nyo gaya nalang ng mga numbers ng; immediate family, company numbers, barangay officals at kung sino pang mayrong katungkulan sa lipunan.
3. SEC Registation
Ginagamit ng mga Online Lending ang kanilang SEC registration para ipagmamalaki na LEGIT sila. Lagi nating tandaan, hindi lahat ng SEC registered ay sumusunod sa mga patakaran ng ating Lending Act sa Pilipinas. In fact, majority sa mga Online Lending ay nilalabag ang mga ito. Kaya hindi po basehan na kapag SEC registered ang isang Online Lending ay LEGAL na sila.
Ang tanging basehan ay dapat sinusunod nila ang mga panuntunan ng ating batas at gobyerno. Kung hindi sila pumasa sa #1 na dapat hindi sila Loan Shark at #2 hindi nag-violate sa Data Privacy, kailangan lumayo kayo sa mga Online Lending na ito dahil hindi tulong ang makukuha nyo mula sa kanila kundi malaking problema at malaking kahihiyan sa sarili mo at sa buong pamilya ninyo.
Huwag tangkilikin ang mga OLA na walang ibang inisip kundi kumita sa atin. Kailangang layuan at huwag subukan. Huwag umutang kay Cashbee.
#NoToCashbee
#NoToOLA
#NoLoanShark
NO TO DATA PRIVACY VIOLATORS
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.