Hindi alam ng karamihan kung paano ma-avail ang 45 days na repayment terms kay GCredit. Ang madalas kasi nilang nagagamit ay ang 30 days lang. Ako kaya ang sekreto para makuha mo ang maximum days na binibigay ni GCredit para sa inyong pagbabayad ng loan. Dati ang humahawak ng GCredit ay ang Fuse Lending pero ngayon iba na, ang bagong partner ni GCash ang CIMB Bank.
Normally, ang due date na binibigay ni GCredit sa lahat ng mayrong loan sa kanila ay every 21st of the month. Samantalang ang paglabas ng Loan Statement ay every 6th of the month. Ano ang dapat gawin para ma-maximize mo ang total number of days na binigay ni GCredit para sa iyong repayment terms?
Ang kagandahan, kung working days ang 21st of the month, mabilis ang pag-update ng inyong loan sa system ni GCredit. Kaya pwede nyo agad magagamit ang inyong Credit Limit. Pero hindi dapat sunggaban mo agad ang pagkakataon para magamit mo ang Credit Limit sa araw ng iyong due date dahil kapag ginawa mo yon, ang makukuha mong repayment terms ay 30 days lang. Bakit?
Halimbawa, binayaran mo ang iyong loan sa araw mismo ng due date mo (which is yon talaga ang dapat gawin para walang penalty at hindi ma-compromise ang Credit Limit mo) tapos after few hours ginamit mo na agad ang credit limit mo, ang mangyayari nyan by next month on the 6th day mayron kana agad Statement of Loan - 15 days palang at kailangan mo itong bayaran on the 21st kaya 30 days lang ang iyong makuhang repayment terms.
Pero kung inantay nyo muna ang 6th day of next month, tapos nyong nabayaran ang inyong loan on the 21st, saka nyo ginamit uli ang inyong credit limit, ang mangyayari sa next month pa on the 6th day pa kayo magkaroon ng Statement of your Loan. So, 30 days na agad ang inyong nagamit. Then, another 15 days from 6th of the month to 21st of the month para bayaran mo ang inyong GCredit Loan.
For example:
November 21, 2021 - due date mo at binayaran mo early on that day. Hindi mo ginamit ang iyong credit limit nong araw na yon kahit pwede mo ng gamitin dahil nagreset na ang iyong credit limit sa system ni GCredit.
December 06, 2021 - may statement of loan (bill statement) si GCredit pero dahil hindi mo ginamit ang iyong credit limit, zero loan ka sa araw na iyon. Late afternoon, ginamit mo na ang iyong credit limit at sinagad mo ito.
December 21, 2021 - wala kang babayaran dahil zero loan ka sa computation noong December 06, 2021.
January 06, 2022 - may statement of loan (bill statement) at ang loan balance mo plus interest ay naka-based doon sa credit limit mo na ginamit noong December 06, 2021. Ibig sabihin nagamit mo na ang 30 days mo. You need to wait another 15 days to pay sa inyong loan na maganap sa 21st of January 2022.
January 21, 2022 - it's time to pay your bill. On this day, pang 45 days mo na since the day na ginamit mo ang iyong credit limit noong December 06, 2021.
Pero may disadvantage din ang pagamit ng maximum number of days ng inyong GCredit dahil maari ding tumaas ang interest ng inyong ni-loan. Laging tandaan na ang interest ni GCredit ay nag-range from 2% to 5%.
Based on my own experience, kapag 30 days lang ang na-avail nyo, nasa 2.5% lang ang interest na ipapatong nila sa loan nyo pero kung ginamit nyo po ang inyong maximum repayment term na 45 days, naglalaro sa 4-5%.
Nasa inyo ang pagpapasya depende sa inyong kakayanang magbayad at pati na rin sa credit limit na mayron kayo.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.