Noong una, inaakala ko na makakatulong ang loan offer nila sa negosyo ko pero kabaliktaran pala dahil lahat na kinikita ko gamit ang pera na inutang ko sa kanila ay hindi pa enough para mabayaran ko ang utang ko sa kanila. Kahit pa siguro walang pandemic at malakas ang kita mahihirapan pa rin akong habulin ang aking monthly amortization dahil nga ang interest na kinukuha nila ay halos magkapareho na rin sa halaga ng inutang ko sa kanila. Isang malaking pagkakamali na pinagsisihan ko talaga hanggang ngayon.
Kaya pala kahit anong sipag ko wala pa rin akong naiipon dahil nasa BDO pala napunta ang pinarang pinaghihirapan ko. Can you imagine, sa P250,000 na inutang ko sa kanila payable within 2 years with a monthly amortization of P17,916.67 kung mabayaran ko ito ng buong sa loob ng 24 hours ang total na interest na makukuha nila sa akin ay P194,852.90. Di ba halos tumumbas na sa principal amount na nakuha ko sa kanila.
Nadala din ako sa sinasabing diminishing concept dahil ang nasa isip ko ay pareho sa mga typical na lending institution gaya din ng mga cooperative na ang principal ay equally divided para hindi lumaki ang interest na ipapatong nila pero itong si BDO ay walang pakialam kung nahihirapan magbayad ang client nila importante malaki ang kikitain nila rito.
Diminishing ang interest nila pero ang principal naman ay from small to bigger amount ang pinapatungan nila kaya lalaki talaga ang interest. Ito ang sekretong malupet ni BDO Kabayan Loan kaya namamayagpag sila. Wala silang pakialam sa atin dahil umutang tayo sa kanila at pera nila ang ginamit natin. KUNG ALAM KO LANG TALAGA, HINDI AKO MAGPAKATANGA sa loan services ng BDO Kabayan Loan.
Tingnan nyo ang ginagawa ng mga nasa likod ng loan computation ni Kabayan Loan. Grabe talaga ang ginagawa nilang panlilinlang sa mga taong gustong umutang sa kanila. Sa first payment mo palang klarong-klaro na gagatasan ka nila through their DIMINISHING interest daw pero pinapahirapan kana pala nila. Panooring mabuti ang breakdown ng aking monthly amortization at tingnan nyo kung paano nila ginawa. Diba walang pinagkaiba sa LOAN SHARK na mga lending? Imbes na makatulong mas lalo pa tayong pinapahirapan?
First payment ang mababawas lang sa principal ko ay P1,051.25 tapos ang interest na binayaran ko ay P16,865.42. Do you think makatarungan itong computation na ito? Kaya pala sabi nong TEAM LEADER na nakausap ko na pwede kung bayaran in FULL ang LOAN ko kung dumating ang time na magkapera na ako. Ito'y dahil pala ang malaking interest ay nakukuha na nila. In short nakakuha na sila ng malaking interest pero yong PRINCIPAL malaki pa rin dahil maliit lang naman ang binabawas nila. Hindi nila ginawang equally divided ang principal para kung sakaling mabayaran ko man ito later on MALAKI parin ang sisingilin nilang amount doon sa aking PRINCIPAL. Di ba ang mautak talaga sila?
Pinapayaman nyo ang BDO pero kayo as individual na ipinaglalaban ang negosyo ng BOSS nyo (which is right in your own prospective) ay walang konsensya dahil mas lalo nyong pinapahirapan ang mga naging client ninyo. Sana man lang nilagay niyo rin ang iyong sarili sa katayuan namin. Para niyong sinuntok ng patalikod ang mga nangungutang sa inyo, na umuasang makakaahon sana sa hirap pero mas lalo nyo palang pinapahirapan.
Sa mga nagbabalak umutang sa BDO through Kabayan Loans, usisain nyong mabuti kung ang iyong negosyo ay malakas ba talaga na yong pera na uutangin nyo sa BDO ay kikita ng times three or more para hindi kayo mahihirapang bayaran ang utang ni sa BDO. Kung hindi kayo sigurado na malakas ang negosyo na pagagamitan nyo ng pera, HUWAG na kayong tumuloy magsisi kayo sa bandang huli.
Si BDO ay walang pinagkaiba sa mga LOAN SHARK na mga Lending company. Hindi tulong ang talaga goal nila para sa kanilang client kundi hihigupin lang nila ang kung anong mayron kayo. Sa totoo lang hindi sila makatao pagdating ng kanilang mga loan services. Idadaan lang nila sa pa-FREE insurance para pampalubag loob sa mga client nila.
I will recommend na humanap kayo ng mga COOPERATIVE diyan sa lugar ninyo at doon kayo umutang. Maliit lang ang interest at may makukuha kapang patronage na mapapakinabangan mo rin bilang isang member. After I learn sa ginawang pagpapahirap ng BDO sa akin, I will never ever again umutang sa bank lalo na diyan sa BDO.
Abangan ang aking next blog tungkol sa ibang natuklasan ko pa kay BDO Kabayan Loan....
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.