Dahil daw sa pandemic kaya gumawa ng special arrangement ang BDO Rural Bank sa lahat ng kanilang Kabayan Loan client para hindi ito mabigatan sa monthly amortization nito. Ang short term loan ay ginawa nilang long term at mas lalong lumaki ang accrued interest at mas lalong pahirap sa mga Kabuhayan Loan borrowers.
Sa unang sulyap mukha ngang para sa ikakabuti ito sa mga borrowers pero kung usisain mo ng mabuti lalo na ang total interest na kikitain nila mula sa borrower, hindi halata na nagtake advantage sila sa mga borrowers at mas lalo pa nila itong pinapahirapan. Hindi nga mabigat sa bulsa ang monthly amortization pero sa kanila naman mapupunta ang kinita at pinaghirapan mo gamit ang pera na inutang ng borrowers sa kanila.
Kung i-evaluate natin ang laki ng tubo ng Kabuhayan Loan, hindi malayo na parang LOAN SHARK na rin ang kinahihinatnan ng kanilang loan interest. Compared to Cooperatives loan services, makikita mo talaga na hindi dapat tangkilikin natin ang Kabuhayan Loan dahil mas lalo lang ito nagpapahirap ng mga borrowers lalo na yong hindi naman kalakasan ang Sales ng isang typhical at ordinary business owners.
Buong akala ng karamihan na napasama sa doon sa special arrangement ni Kabuhayan Loan dahil sa Bayanihan Act ay hindi mabibigatan sa pagbabayad dahil nga lumiit ang monthly amortization pero mas lalo palang lumaki ang interest na malilikom ni Kabuhayan Loan mula sa kanilang mga borrowers. Imbes na tulungan, nag-take advantage pa sila at mas malaki na tuloy ang kikitain nila mula sa mga may utang. Parang hinihigop nila unti-unti ang pinaghihirapan ng mga Small and Medium Enterprise business owners.
Malaki ang aking pagsisi kung bakit pumayag ako sa kagustuhan nila kaya paala-ala sa mga SME na kagaya ko at nagplanong umutang sa Kabuhayan Loan, maghunos dili na kayo. Kailangan nyong tanungin ang agent o ang mga loan advisors tungkol sa ino-offer nilang loan. Yong diminishing na sinasabi nila ay kapareho ba sa mga typhical na mga lending o financial institution. Marami kayong matutuklasan na tinatago nila kapag nagtanong kayo. Huwag maging excited sa pagtanggap ng inutang na pera kung hindi nyo alam ang tamang computation ng inyong perang inutang baka magsisi din kayo sa bandang huli pero wala na kayong magagawa dahil pumirma na kayo sa agreement.
Again, huwag padadala sa excitement dahil approved ang loan nyo sa Kabuhayan Loan. Alaming mabuti ang lahat ng mga inclusions sa utang ninyo. Hindi porket maliit ang monthly amortization ay ganado kana. Kumusta naman ang total interest na makukuha nila sayo kapag nabayaran mo na lahat. Hindi kaba manghihinayang? Evaluate ng mabuti baka nagnenegosyo ka tapos iba ang nakikinabang sa kinikita mo at ang masaklap walang natira sa iyo.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.