Sunday, December 18, 2022

Cash Will-Safe Online Loans | Guide and Reviews

Marami ang nahuhumaling umutang kay CASH WILL na isa ding Online Lending app na makikita natin ngayon sa Playstore. Under ito kay FIRST QUANTUM FINANCING CORPORATION. Kasalukuyang mayron na silang more than 100,000+ downloads. Ibig sabihin marami ng sumubok mag-apply sa kanila. Mula sa more than 7,750 na nagbigay ng ratings and reviews, nakakuha lamang sila ng 4.4 stars. Dahil dito naging positive ang impression ng karamihan at naingganyo silang mag-apply ng loan sa Cash Will.




Bago namin ibigay ang hatol tungkol kay Cash Will, kailangan muna nating i-consider ang 3 BASIC FACTORS to para malalaman kung pwede bang magiging sandalan natin ang isang Online Lending app para sa ating financial na pangangailangan.

1. SEC Registered
2. Hindi Loan Shark
3. Hindi Data Privacy Violators

Una, rehistrado ba si Cash Will sa Securities and Exchange Commission? Ang sagot ay YES.  Kitang kita naman at mababasa natin sa kanilang app description na nakalagay ang kanilang registration number:

Company information:
Corporate Name: FIRST QUANTUM FINANCING CORPORATION
Business Name: Cash Will
PSEC Registration Number: NO.CS201825674
Certificate of Authority Number to operate a Financing/Lending Company Number: NO.1195
ADDRESS : North Penthouse Unit,12nd Floor,Marajo Tower,312 26th St.cor.4th Ave.Fort Bonifacio,TAGUIG CITY,NCR,FOURTH DISTRICT,Philippines

Sa factor #1 pasado si Cash Will. Si Cash Will ba ay hindi Loan Shark? It sad to say, isa si Cash Will sa mga loan shark na Online Lending app. Sa pagiging loan shark nito, aasahan ang malaking processing fees or malaking service fees. Bukod sa service fees, higher din ang kanilang interest rate. Ang laki ng hahabulin mong halaga para mabayaran mo ito ng FULL. Hindi papayag ang mga loan shark na OLA na gawin nyong installment ang inyong bayad. 

Kapag hindi nyo nabayaran ang inyong utang sa loob ng 7 days or 14 days (na karamihan sa mga loan shark na OLA ay 7 days or 14 days term) ito ay lalaki dahil sa patong-patong na interest at penalties. Kaya kapag sinabing loan shark, dapat ay lumayo at huwag kayong umutang sa ganitong mga online lending app.

Hindi pumasa si Cash Will sa factor #2. Si Cash Will ba ay hindi DATA PRIVACY VOLATORS? Ang Cash Will ay isa sa mga gumagamit din ng 3rd Party Collectors. Alam naman natin ang mga collecting agency, gagawa talaga ng paraan para pwersahin ang isang may utang para makapagbayad -sa mabuti man ito o sa masamang paraan.




Aasahan na kapag hindi nyo nabayaran ang inyong utang sa itindakdang due date, makakatanggap ang may utang ng mga panghaharas na text at tawag. Kasama na din dito ang pagtext blast sa lahat ng inyong contacts or yong nasa phonebook ng inyong cellphone. Kapag hindi pa rin kayo nagbabayad, isusunod na nila ang pananakot at pambabanta. Mahirap kapag umutang kayo sa mga loan shark at data privacy violators na mga OLA. Kaya sa factor #3, bagsak si Cash Will.

Kahit pasado si Cash Will sa #1 factor, hindi pa rin namin pahintulutan na mai-recommend ito dahil bagsak si Cash Will #2 at #3. Overall, hindi namin recommended na utang si Cash Will dahil hindi ito makakatulong sa inyong financial na pangangailangan, mas lalo pa itong magbigay sa iyong matinding problema at kahirapan. Iwasan ang OLA na ito kung ayaw nyong magkasakit at magkaroon ng maraming problema at pagsisihan nyo kung bakit nyo nakilala si Cash Will sa buong buhay ninyo.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.