Tuesday, December 20, 2022

Cashalo -Animo'y Tupa Pero Loan Shark Din Pala?

 Si Cashalo ay isang legit na online lending app pero marami din ang hindi nagkakagusto sa paraan ng kanilang loan disbursement computation. Inaakala daw nila, maliit lang ang interest pero sabi pa nila, malaki din daw at walang pinagkaiba sa mga loan shark na online lending apps.


Kung kayo ang tatanungin, totoo bang loan shark din ang Cashalo? Napag-alaman namin na hindi naman talaga malaki ang interest ni Cashalo. Fair pa din naman at acceptable. Mayron lang silang tinatawag na insuance fee na dumagdag doon sa binabawas nila sa kanilang processing fees. Kaya, maliit pa rin ang kanilang interest hindi gaya sa mga loan shark na mga OLA.


Ang hindi ko lang nagustuhan kay Cashalo, mas priority nila ang mga employed kay sa mga self-employed. Well, wala tayong magagawa dahil meron talagang sariling patakaran ang bawat lending company. Pero depende pa rin ito sa willingness ng isang individual na magbayad ng utang. Maraming employed na magaling lang mangutang pero hindi magaling magbayad. 

Dapat pagbigyan nila yong mga gustong umutang regardless kung anong trabaho mayron sila. Importante marunong silang magbayad. At kung napatunayan na hindi nga marunong magbayad, huwag ng pauulitin pa.

Kami dito sa USAPANG PERA ay walang pinapanigang Online Lending Apps, we recommend at we don't recommend based doon sa natuklasan namin sa aming pagsisiyasat o based sa dami din ng reklamo mula sa mga sumubok ng umutang sa kanila. Sa ngayon, para sa amin, FAIR pa din naman ang Cashalo at we don't consider them as one of loan shark OLAs.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.