Isa sa mga pain ng mga Online Lending app ngayon ay ang Zero % interest. Syempre, marami ang mabighani dahil walang dagdag at walang bawas ang pera na hihiramin nyo sa kanila. Pero maraming bagay ang dapat mong malalaman bago mo ituloy ang pag-utang sa kanila. Bakit sinakripisyo nila ang perang pwede nilang kikitain mula sa inyo.
Una, ilang araw ba ang terms na sundin bago nyo ibalik sa kanila ang pera na pinahiram nila? Sa mga hindi alam, 7 days lang ang term na binibigay nila. Kailangan nyong ibalik sa loob ng isang linggo kundi, automatic na magpatong sila ng interest sa utang ninyo at kung hindi nyo naibibalik, ang mga collecting agency na ang bahalang manggugulo sa inyo. Sa mga hindi nakakaalam, ang mga collectors ay nanghaharas at nanakot. Dagdag pa nito, ang mga collectors din ang pakana sa mga pamamahiyang texts messages sa inyong mga contacts at phonebook.Pangalawa, ang Zero % interest ay offered sa mga first time borrowers lang ng mga nag-offer nito gaya ng Digido (previously known Robocash - SEC rebooked their license). Isang uri ng patibong na para appetizer lang at kung nasasarapan ka, syempre pinapagana ka lang para masasarapan kang kumain. Kung nasarapan ka at uulitin mo, mababawi na nila ang Zero % interest. Remember, isang linggo lang ang term kaya mabilis lang ang araw, babalik na sa kanila ang pinahiram nila sayo.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.