Una kung nalalaman ang tungkol sa MP2 investment, pero hindi ako consistent naghulog. Nagmature na yong una kung account at may kita. Sinubukan ko ang UITF pero first year palang, nakita kung bagsak na ang aking pera kay I stop sa paghuhulog. Good thing, nakilala ko ang Cooperative. Una kung sinalihan ang Tagum Cooperative. Umutang muna ako bago magshare capital build up. Year 2022 sa hindi inaasahang pagkakataon, lumakas ang Negosyo at kumite kami ng Malaki. Doon ko naisipan na mag-invest para ang extra pera naming ay kikita pa rin. Sinagad naming ng asawa ko ang amin Share Capital bago natapos ang 2022. Nagulat kami dahil medyo Malaki ang nataggap naming dividend at patronage refund. Sabi ko, ito ang pinakamagandang passive income na pwede sa aming retirement plan. Hindi na namin kailangang kumayod pa hanggang magsenior kami just to survive. Dahil hindi na kami pwedeng mag Share Capital build kay Tagum Coop kaya nag explore kami ng ibang matatagal ng cooperatives. Napaka busy kong tao, bukod sa Negosyo ko, may mga trabaho pa ako online para lang kumite kaso puro active income. No work no pay. Wala din akong time mag-aral pa sa stocks, bond at iba pang mga investment. Solve na ako sa Cooperatives at MP2.
1. Dividend
and Patronage Refund
2. Insurance
and HMO
3. Mortuary/Damayan
4. People
(Management & Staff)
Dividend and Patronage
Dividend is a good passive
income, incase dumating na sa point maging senior na kami ng wife ko. Hindi baa
ko natatakot mag-invest sa cooperatives? Bilang isang entrepreneur, ako ay
isang risk-taker. Sinong may alam na lalago ang Negosyo ko or kikita kami for
more than 14 years already. Nong pinakasalan ko ang aking asawa, sinong may
alam na aabot kami ng 14 years na mas lalong tumibay ang aming pagsasamahan at
masaya kasama ng 11 years old na anak namin. So totoo lang wala talaga tayong
alam. Bakit maraming Negosyo ang lumalago at lumalaki? Dahil hindi sila
natatakot mag take a risk. Bakit maraming mag-asawa na nag golden anniversary
kahit nong una hindi magkakakilala? Dahil sumagal din sila.
Pero kailangan din nating mag-iingat. Hard earn money natin ang nakataya kaya mahirap na kung matulad sa mga investment company na naging scam din kinalaonan. Sa palagay nyo ba “too good to be true” ang investment sa mga cooperatives? Hindi promising ang kita sa mga cooperatives gaya ng mga HYIP (high yield investment programs) within a short period of time, doble or triple na ang balik. Hindi ka din yayaman sa dividend dahil karamihan sa cooperatives ay mayrong Share Capital capping. May limit ang pagpasok mo ng Share Capital. Most of the time ang dividend ay nagri-range from 4% to 15%. Imagine 365 days imong antayin para makuha ito. Kaya hindi talaga nakakayaman para sa akin ang investment sa mga cooperatives pero isa ito sa Magandang source of passive income. Bukod dyan, ang dividend at patronage refund at mga savings product sa mga cooperatives ay TAX FREE. No withholding tax deduction gaya nong sa tradional bank. Maliit na nga ang interest, may bawas pang withholding tax.
Para sa mga mahilig uminom ng kape at natatakot sa kanilang investment sa coop, pwede kayong magback to back loan sa inyong Share Capital (convenient loan sa Tagum Cooperative). Clever moves ito para sa mga madalas kabahan at hindi makatulog sa kanilang investment. Up to 90% ang pwedeng ma-loan sa ating share capital. Meaning, pwede mong magamit ang loan para sa Negosyo. You are hitting 2 birds in one stone. Nagamit mo na ang pera mo sa Negosyo, kumita kapa ng dividend after 365 days. Pero kung gagamitin mo ito para invest sa ibang cooperative, hindi advisable baka kulang pa yong binayad mo sa interest doon sa kikitain mo.
Insurance and HMO
Mayrong mga cooperatives na sinalihan ko dahil sa kanilang HMO at hind isa Dividend. Instead, na magbabayad ako ng mahal sa mga private insurance provider, mas prefer ko ang mga insurance sa cooperatives. Regulated na ngayon ang insurance ng coop, partnered na ito ng mga insurance providers like CLIMBS and 1CoopHealth. Pero kung critical illness ang pag-uusapan, hindi pa ito supported ng mga cooperatives. Mayrong mga cooperatives na annual ang pagbabayad ng insurance, mayron ding monthly gaya ni Cebu CFI community Cooperative. Pag-aralang Mabuti ang mga insurance na ino-offer ng mga cooperatives para tayo ay makatipid.
Mortuary/Damayan
Ang mortuary na ino-offer ng mga cooperatives ay upgraded level ng Damayan o Dayong. Mas Malaki ang makukuha mo compared sa typhical na Damayan. May mga damayan na aabot ng more than ₱250,000 ang makukuha ng isang beneficiary. Mura lang din ang annual premium sa mga mortuary ng mga cooperative. Halimbawa, mayron kang sampung cooperative at bawas isa nito ay magbibigay ng kahit ₱100,000, magiging milyonaryo na ang iyong beneficiary. May kanya-kanyang paraan sa pagbabayad ng Damayan, depende sa cooperative. Ang iba, automatic ibawas sa dividend mo every year, ang iba naman mayron silang Damayan Savings.
The People Behind (Management & Staff)
Ang mga typhical na cooperatives
ay mayrong mga physical branch/es. Ibig sabihin anytime mo mapuntahan ang
branch kung sakaling may kailanagan ka. Cooperatives are own by the members
kaya dapat yong mga staff ay papakitaan tayo ng Maganda ugali dahil co-owner tayo.
Pero hindi talaga maiiwasan na mayrong mga cooperative branches na mayrong mga
staff na nakalimot sa code of ethics ng cooperative na pinagtatrabahoan nila. CONCERN
ako sa mga ganitong ugali. Yon ang una kung pinapansin kapag may gusto akong
sasalihan na cooperative.
Malaking bagay para sa akin yong “hindi
ka pa member pero yong turing nila sayo ay member kana”. Kung hindi Maganda ang
turing sayo na hindi kapa member, mas lalo na kung nagiging member kana. If
they valued you before you become a member, mas lalo na kung maging member kana
nila. Mayron ding mga cooperatives na billionaires kuno pero parang
napag-iwanan na ng panahon ang ibang branch nila kaya mag-ingat sa pagpili ng
cooperative na sasalihan. Higit sa lahat ang pinakamagandang cooperative ay
dapat maging appreciative sa mga paghihirap at effort ng mga members at staff
nito. Sa anong paraan nila ito mapapakita? Through appreciation and awards. The
more cooperative na sasalihan mo, mas marami kang makikitang pagkukulang sa
isang cooperative na maaring ma correct ito sa tulong mo. Hindi totoong bawal
sumali sa ibang cooperative. Kung sakaling mayron man, humanap ka ng mas
deserve pa sa hard earn money mo.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.